Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26

A+ A-

Becca

6am na ng makauwi kaming dalawa sa hacienda, pareho kaming nakasakay sa kabayo, medyo mabilis ngalang tong white compare sa brown na maamo kay freen

malayo palang kami ng mapansin ko ang lahat ng trabahante ng hacienda sa labas ng bahay

My breath stop when I saw Papa looking at me badly

nakita ko ring umiiyak si manang sa tabi kasama si Natalia na masama na saakin ang tingin

“Hiiyaahh..” I yelled

the horse stop running and growled

gaya ng dati pag dumarating ako, nag sisibalikan ang mga trabahante sa kanya kanyang gawain

“Saan ka ng galing ” tanong ni papa pagkababa ko sa kabayo

tumingin ako sa likod at kararating lang rin ni freen

“Magkasama ba kayo?”

I nodded

“Kagabi kapa ba wala sa kwarto mo?”

tumingin ako kay manang, sa mukha nyang umiiyak alam kong pinagtakpan nya ko buong gabi

“Becca sumagot ka!”

“Hi-hindi po-“

“Anong hindi? saan kayo ng galing.” bigla ako nitong hinawakan sa braso ng mahigpit

“Pilit kitang iniintindi becca, pero sumusobra kan-“

“Papa hindi napo ako bata at kaibigan ko na po si freen.” nagulat si manang sa likod lalong lalo na si Papa

“ANO?” sigaw nito

narinig kong umungol yung kabayo ni freen katabi sa white na kabayo

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na lumayo ka sa babaeng yan?”

nang makababa si freen sa kabayo eh sinalubong sya ni manong, gusto nyang lumapit sakin pero parang may sinasabi pa si manong sakanya at hinihila sya palayo

Tinabig ko yung kamay ni papa sa braso ko at lumayo sakanya

“Bakit ba papa? dahil ba sa nangyari noon?”

kitang kita ko ang gulat sa mukha nya

“There’s an old news paper at the library lastweek, you killed freens father dahil muntik nya ng pagsamantalahan si mama.. yun ba ang dahilan bakit ka galit sakanya.”

tumalikod sya sakin

“Wala kang alam.” bulong nito at ramdam ko parin yung galit nya

nakatingin sya kila manang dahilan nun para pumasok ito sa loob ng mansion kasama ni Natalia

“Papa ikaw ba ang nananakit kay freen?” lakas loob ko na tanong

sana hindi

“sigurado kabang kaibigan mo sya? you don’t know who’s your enemy in this world becca patricia, you should be careful.”

“Kung galit ka sakanya bakit nagtatrabaho parin sya dito satin?”

huminga sya ng malalim at biglang may tumulo na luha sa mga mata nya

“I don’t know why until now you still don’t remember the past..”

napaupo sya sa semento sa may hagdan at humihinga ng malalim

“Papa?” Litong tanong ko sakanya

“You have an older brother becca..”

nagulat ako sa sinabi nya

I remember what happen last night, while running on the grass I bumped into someone, and I called him Kuya

“bakit ngayon mo lang sinabi yan? even mama never told me that I have an older brother..”

“You have post traumatic stress disorder becca..”

“What?, how?.”

lumuhod ako sa harap nya dahil bigla syang humagulhol ng iyak

“Freen killed your brother.” he blurted out

parang nastatwa ako sa kinaluluhuran ko bigla

“killed my brother?” gulat na ulit ko “papa when?” I yelled shaking his shoulder

“when you was still a 5years old back then, you saw how freen killed your brother, she stab him using a knife..”

Napa nganga ako sa mga lumalabas na impormasyon sa bibig nya

“No, you’re lyin-“

“She killed my Son..” he whispered

“Papa bata pa si freen nun, hindi nya magagawa yun.”

“Galit sila satin kaya nya nagawa yun, buhay pa sana ang kuya mo ngayon.”

Naalala ko yung mga unang araw ko dito sa poblacion, freen hate me so much

bakit pati sakin galit sya?

totoo ba na sya ang pumatay?

“Bakit hindi nyo sya pinakulong? o ipinunta sa DSWD?”

“Kailangan nyang pag bayaran ang pagpatay sa kuya kevin mo.” matigas na bigkas nito

“Papa?’

“she’s our prisoner becca.”

napatakip ako sa bibig ko at tumayo na parang nanghihina.

“Prisoner? papa nababaliw kana b-“

“Ano becca magsusumbong ka sa pulis? para ano? para mawalan ng hustisya ang kuya mo?.”

“But papa this is wrong, this is child abuse.”

ramdam na ramdam ko yung panlalamig ng buong katawan ko, nawiwindang ako sa mga nangyayari

“Pasalamat sya at pinayagan ko pa syang makapag aral.”

kaya ba binubully nya ako nun? Papa is punishing her that’s why she’s mad at me too?

kaya ba hindi naniniwala si richie na magkaibigan na kami?

parang sinasaksak ng milyong milyon na kutsilyo ang puso ko

freen pinaglalaruan mo ba ako?

naalala ko yung araw ng camping namin, yung ipinahanap ko sya sa buong kakahuyan

Omy god

tatakas ba sya nung araw na yun?

at dahil sakin…

Owh No

hindi maaari..

Posible ngang nagalit sya ng sobra sakin dahil rin dun

_________

“Freen…” iyak ko habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo

hinahanap ko sya ngayon sa loob ng white house

“freen asan ka?.” hikbi ko

nakaamoy ako ng usok ng sigarilyo at nakita ko si freen sa upuan na kahoy na tulalang nakatingin sakin

tumakbo ako palapit sakanya

may sakit akong nakita sa mga mata nya, huminga muna ako ng malalim bago nag salita

“To-totoo bang ikaw ang pumatay kay kuya?”

nagulat ako ng bigla syang natawa

“ano ba gusto mong paniwalaan?” Tanong nya at humithit ng sigarilyo

sa inis ko inagaw ko yung sigarilyo sa kamay nya at itinapon ito sa sahig

“SAGUTIN MO KO.” napapikit sya sa sigaw ko

“Bakit? pag sinabi kong Oo anong gagawin mo? sasaktan mo ko? tsk. manang mana ka sa papa mo.”

*Slap

Nagulat ako ng nasampal ko sya ng malakas, lumapit ako sakanya at kwinelyuhan

“Sagutin mo ako ng matino freen..”

“Totoo nga, ano ba gusto mong marinig?”

nabitawan ko sya at nanlambot ang mga tuhod, kung hindi nya ko nayakap baka bumagsak ako sa sahig

“Bitiwan mo ko..”

tumayo sya at inalalayan akong makaupo sa ikinauupuan nya

“Siniswelduhan kaba ni papa?.”

umiling sya na ikinalaki ng mata ko

“Kaya ba galit na galit ka kay papa? kaya ba binubully mo ko nun?”

tumingin ako sa mga mata nya at halo halong emosyon ang nakikita ko, pumikit sya at tumango

bakit biglang ganito? masaya naman kami kanina ah, nag iba rin ang mood nya simula ng makarating kami sa hacienda

parang tumatago yung totoong freen sa loob loob nya at nakikita ko yun sa mga mata nya

hindi ko alam kung pinipigilan nya lang mag salita

“freen mahal mo ba talaga ako?.”

tahimik lang syang nakatingin sakin

“Freen sagutin mo ko.. tutulungan kita para mapatawad ka ni papa.”

natawa sya ulit at kitang kita ko yung disappointment nya sakin

“freen gago kaba? seryoso ako.”

“Hingi ng tawad? PUTANGINA BECCA SYA ANG NAUNANG PATAYIN ANG TATAY KO.”

“At dahil sa nagawa ng papa ko gagayahin mo sya? freen bakit ka gumanti? ang bata bata mo pa nun..”

“Ikaw lang makakasagot nyan.”

tumalikod sya sakin at mag lalakad na sana palayo

“hahanap ako ng paraan para itigil na ni papa ang lahat ng toh.. sabihin mo lang na totoong mahal mo ako.”

“Umuwi kana..” sabi nito at nag umpisa ng maglakad palabas

“FREEN.” sigaw ko “Freen totoong bang mahal mo ko? o pinaglalaruan mo lang ako.”

hindi sya humihinto sa pag lalakad kaya tumakbo nako palapit sakanya

I pulled her hand while crying so hard..

“Freen I love you so much, please answer me…”

nang tumingin sya sakin ang lamig ng mga tingin nya, at natatakot ako sa maaari nyang isagot

“Ano ba sa tingin mo?”

lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit pero nakatayo lang sya at hindi gumagalaw

“totoo ba lahat ng ipinapakita mo sakin? freen ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni papa… itatama ko lahat ng toh.”

hinawakan nya ang magkabilang braso ko at pilit na tinutulak

“Freen mag salita ka naman, sagutin mo ko-“

“Alam kong alam mo na ang sagot sa mga tanong mo kaya umuwi kana.” sabi nito

alam ko na?

“No ayoko, bakit kaba ganito? kausapin mo ko..hmm.”

humigpit yung paghawak nya sa braso ko at tuluyan nya na kong inalis sa pagkakayakap sakanya

“Let’s break up.”

halos gumuho ang mundo ko sa sinabi nya

umiling ako

“Freen hindi..”

“Becca kailangan nating itigil toh, pag ito nalaman ng papa mo-“

“Wala akong pakealam, freen nasasaktan nako.. hindi ko kaya yang hinihiling mo..mas lalo mo lang pinapatunayan na pinaglaruan mo lang ako bakit kailangang ako pa yung magbayad sa ginagawa ni papa sayo?.”

“mas masasaktan kalang pag pinatagal natin toh.” malamig na sabi nya

napaupo ako sa sahig dahil sa hindi ko nakayanan ang panglalambot ng tuhod ko

“Napaka sama mo..” I whispered “napaka gago mo..”

Tumalikod sya sakin at tumakbo palabas ng pinto, ibinagsak nya pa ang pagsara dito

“FREEN.” sigaw ko

_________

Freen

“Manong kailangan ko pong samahan si becca dun..”

“Hindi maganda ang mood ng Gobernador ngayon freen malilintikan kalang.”

“pero manong..”

akala ko papasok kami sa white house yun pala lalampasan lang namin yun at papunta kami ngayon sa sasakyan na itim

“Manong saan tayo pupunta?”

“Kailangan kitang makausap ng tayong dalawa lang.”

pumasok sya at umupo sa driver sit at ako naman umupo sa likod

nag umpisa syang mag drive palayo sa hacienda at nakita ko si becca at papa nya na nakaupo sa semento sa labas ng mansion at nag uusap ng masinsinan

“Kasalanan ko kung bakit sya napagalitan.” bulong ko

napaka layo ang narating ni manong at bumaba kami sa may isang lumang bahay dito sa poblacion, nadaanan ko na ito dati ah

ang daming manok sa bakuran ng bahay at nakakatuwa itong tingnan

nag almusal muna kami ng sabay ni manong bago kami mag usap dalawa

bahay nya pala ito, ngayon lang rin talaga ako nakapunta dito, wala daw yung tatlong anak nya dahil may pasok sa skwelahan dalawang senior high at isang 1st year college

“Manong bakit po isinama nyo ko dito?”

huminga sya ng malalim at may luha akong nakikita sa mga mata nya

“Matalik akong kaibigan ng papa mo.”

“Alam ko po yun.”

Tumayo sya at iniwan ako sa sala, pag balik nya eh may dala dala na syang pink na box

“Ito oh..”

iniabot nya sakin ito

“Ano po toh?”

“Buksan mo.”

binuksan ko ito at isa itong maliit na relo na silver na may nakaukit na freen sa likod nito

“Regalo sana yan ng papa mo sa birthday mo nun.” his voice broke

I frowned

“Bakit ngayon nyo lang po ito naibigay?”

may kaunting saya ang puso ko ng matanggap ito, naisip pa ni tatay yun? sa kabila ng paghihirap namin noon..

tumulo ang luha ko habang inaalala si tatay na lagi akong binibilhan ng gusto ko nung wala pang sakit si ate at okay pa ang lahat

“Ngayon ko lang rin naalala.. freen, galit na galit ako ng masaksihan ang pagbaril ni gov. sa ama mo.”

my eyes widened

“Manong? bakit ngayon mo lang pinaalam sakin toh?”

lumuhod sya sa harap ko at yumuko

“freen inosente ang tatay mo, hindi nya pinagsamantalahan ang asawa ng Gobernador.”

“po?”

“si Kevin, hindi ko alam kung bakit masama ang trato nya samin noon, muntik nya na ring pagsamantalahan ang anak ko na sampong gulang palang noon.”

wala akong masabi at nakikinig lang sakanya

“freen patawarin mo ko..”

“Manong hindi mo kasalanan ang nangyari noon..”

umiling sya

“humihingi lang ng tulong ang tatay mo kay Madam dahil sa kalagayan ng ate mo nung araw na yun, hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganun at tumatakbo na si kevin papunta kay gov. at nagbitaw ng mga salitang hindi totoo.”

biglang sumama ang pakiramdam ko
“Bakit hindi mo po sya pinagtanggol?” iyak ko sakanya

“Dahil natatakot akong kalabanin ni kevin, natatakot akong mawalan ng trabaho-“

“anong klase kang kaibigan?”

“freen may maaaminin pa ko sayo.. iha, ako ang nakapatay kay kevin.” daretsong sabi nya

napatakip ako sa bibig ko

“Po?.” bigla akong napatayo

“Ikaw yung lalaking tumakbo papuntang kakahuyan? Manong ikaw ang pumatay kay kevin.?”

hindi ako makapaniwala

paano nya nagawa yun?

“ANG SAMA SAMA MO?” Sigaw ko

“Freen patawarin mo ko.” hila nya sa kamay ko pero tinabig ko yun

“BUONG BUHAY KO NAGDUSA AKO SA KASALANANG HINDI KO GINAWA.”

“Freen hindi ko alam kung bakit napunta ka sa lugar na yun ng oras na yun..”

“Manong pinatay mo si kevin sa harap ni becca.. pano mo nagawa yun.”

“wala ako sa sarili ng oras na yun, pinagtangkaan nya ang panganay ko at labis labis ang galit ko at pagluluksa sa tatay mo..dumilim ang paningin ko kaya napatay ko sya.”

“Pano mong nasikmura ang lahat ng paghihirap ko dahil lang sa Kasalanang ginawa mo?”

“Gustong gusto ko sumuko sa mga pulis freen pero iniisip ko yung kalagayan ng mga anak ko, wala na silang nanay at ako nalang ang tanging gumagasto para makapag aral at makakain sila sa araw araw.”

“Hindi mo lang ba ako naisip?.” umiiyak na ko ng sobra sa harap nya “namatay rin si nanay ng dahil sayo.. pinagkaisahan nyo ko, ang sama sama nyo.”

“Patawarin mo ko freen, iniisip ko lang ang mga anak ko..”

Napaupo ako sa mahabang upuan at pinoproseso lahat ng pag uusap namin

“Tatakas ako sa lugar nato.” bulong ko

“Freen mapapahamak-.”

“Tutulungan ako ni Teacher Ana.”

tumango tango sya

hinayaan ko na hawakan nya ang kamay ko ng mahigpit, umiiyak rin sya at masakit rin sakin na nakikita syang ganito

“Huwag kang mag alala freen, pag napagtapos ko na yung mga anak ko, susuko ako sa mga pulis at alam rin ito ng panganay ko, willing rin syang mag salita kung sakali mang mawala ako bago pa sila makapagtapos..”

tumango ako at huminga ng malalim

“Mas mabuti ring tumakas ka bago pa may mangyari sayong masama sa lugar nato..”

“Bakit po?”

“Kagabi, yung tauhan ni gov. nasaksihan nya ang pagtatalo nyo ni becca at nalamang may relasyon kayo.”

dinatnan ako ng matinding takot

pano na?

iniisip ko palang na malayo kay becca, pakiramdam ko mawawalan nako ng malay

para akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko

kung sasabihin ko kay becca na sya ang dahilan kung bakit ako nadiin sa pagkamatay ng kuya nya…

ayokong isipin nya na sya ang may kasalanan kung bakit naghirap ako sa kamay ng papa nya, ayokong magalit sya at sisihin nya ang sarili nya

ayoko syang madepress, sa nakita kong pagwawala nya kagabi at sobrang iyak para na akong pinapatay

Mas madali syang makakarecover pag galit sya sakin

mas mabuti ngang magalit sya sakin kaysa magalit sya sa sarili nya

________

“freen?.”

tumatakbo ako ngayon palapit sa sasakyan ni Ma’am Ana

sinalubong nya ko ng yakap na mahigpit

“Ma’am… hindi ko na po kaya, ang sakit po.”

“ssshh tahan na.”

hinahagod nya ang likod ko

“Ma’am ana..hmmm.”

“Sshhh alam ko.. naiintindihan ko.”

ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko at bigat ng pakiramdam kay Ma’am Ana

halos tumagal kami ng isang oras sa pag yayakapan ng mahigpit

tinulak nya ko ng marahan at pinunasan ang pisngi ko gamit ang panyo nya

“Freen isipin mo naman sarili mo, pangako ko sayo.. pag maayos na ang lahat at mahal mo parin sya? ako mismo ang babalik sayo dito.. at alam kong sa panahon na yun, mapapatunayan na hindi ikaw ang pumatay sa anak ng Gobernador.”

“Pangako po?”

“Pangako.”

inalalayan nya kong makasakay sa sasakyan pagkatapos

alam kong alam nya na ang sagot sa mga tanong nya…

alam nyang mahal ko sya.

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 26 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 27