Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31

A+ A-

Freen

“Bagyo paba sa labas?”

“Yes Engineer.”

Nandito kaming tatlo sa kusina, heng and Ana are still eating Lunch

“bring me back to mommy hmmm.” Freemo yelled.

he’s inside my room, rinig na rinig namin yung boses nya galing sa taas, malakas kasi ang ulan at pinagbabawalan pa kami ni Ana na lumabas at mag stay muna

“Ana..” I called her asking for help

“Hay nako Freen, ikaw lang naman gusto nun lalo lang magwawala yun.” sabi nito

tumingin ako kay Heng at umiwas sya ng tingin

“I already traumatized engineer look at my ear.” sabi nito habang nag susubo ng hotdog

I sighed

“FREEENN YOU PROMISED.” sigaw nito at nakarinig pa kami ng paghampas sa pinto kaya napatalon kaming tatlo

I open the fridge and took my small tub of Icecream

napa iling nalang ako

“Ano yan?” tanong ni Ana

“Ahhmm..” I looked at her nervously “I bought this for freemo last night.”

fuck

tumingin sya kay heng at buti nalang nakisama tong pangit nato sakin at tumango lang

aawayin nanaman kasi ako ni Ana dahil sa icecream

kumuha lang ako ng dalawang kutsara bago umakyat sa taas

when I open the door freemo was crying on the floor and kicking his feet on the wall

“Freemooo.” I called him sweetly

when he look up at me ang pula pula na ng ilong nya kakaiyak

“I wanna go home.” iyak nito at mukhang paos na nga

simula kasi ng magising sya ay nagwawala na sya at gustong umuwi

I put the Iceream on my mini table and I kneeled infront of him to pick him up

ugh

ang bigat

kinarga ko sya at dumaretso sa banyo, humihikbi lang sya at huminto na sa pag iyak

I let him sit on the sink, tumingin pa sya sa salamin

“wash your face first.”

he turned on the faucet and start playing with the water, habang binabasa nya yung mukha nya ay nababasa rin ang damit nya

“don’t you want to take a bath?”

umiling sya

binasa ko rin ang kamay ko at tinutulungan syang maghilamos

“When the rain stops we’re going to the police okay?”

“It’s raining?”

“Yup, that’s why we can’t able to go outside earlier..”

“Is mommy there?”

tumango ako

sana nga nandun.. dahil baka magwawala nanaman sya

“Hurt.”

“where?” I asked and check him

“here, hurt.” he tapped his chest

kumuha ako ng towel at pinupunasan na sya

“because you’re crying so hard and not listening to me.”

“Sorry.” he said and took a deep breath

pansin ko lang, alam nyang nagkakamali sya at nagsosorry agad

pinasuot ko sakanya ang damit nya kahapon, pagkatapos nyang magbihis ay tumakbo sya

akala ko nga lalabas yun pala dumaretso lang sa may dresser ko

“Look I found something..” sabi nya

lumapit ako sakanya at nakitang hawak hawak nya yung relo na ibinigay ni manong noon na regalo daw ni papa sakin

“why?”

“there’s my name on it.” he said at halos idikit yung relo sa ilong ko “look freemo.”

natawa ako

“that’s not freemo, it’s freen.”

he frowned and check it again

hindi pa ata sya nakakapagbasa

“but look F-r-e-e… my mommy always start writing my name with those letters.”

“but it’s freen not freemo..”

Biglang lumungkot yung mukha nya

“Let me..” I open my palm and he gave it to me

Never ko pa tong nasusuot since pangbata talaga toh

“wow..” he whispered

shit it looks good on him ang cute ng kamay

“Gusto mo?”

“Yes Engineer..”

napasapo ako sa noo ko

“Call me ate fr-“

niyakap ako nito ng mahigpit sa leeg

“Thank you..” he said and kiss my cheek “You never get mad at me even I’m bad.”

bakit ba lagi nyang sinasabing bad sya?

parang biglang dinapuan ng pag aalala ang puso ko

“want an Icecream?” I asked him

“Ice cream?” bigla syang napatalon

I nodded

__________

Becca

“hey wake up..”

I heard Nams voice and she’s shaking my shoulder

I stretch my back and yawn, sa kotse kasi kami nag hintay buong gabi para sa balita ng mga pulis

hindi rin kasi ako pwedeng magdrive lalo na’t sobrang lakas ng ulan dahil sa bagyo

“May balita na kay freemo.” Nam said kaya tuluyan ng nagisisng ang diwa ko

bumaba agad ako ng sasakyan kahit umuulan pa para makapasok sa loob

ang bilis ng tibok ng puso ko halos 3am nako nakatulog kanina at hindi maiiwasang mag alala ng sobra dahil ang lakas ng ulan

I cried so hard and blame myself, siguro sumama ang loob nya kaya sya umalis

I felt this kind of feeling before, nung nalaman kong umalis si freen sa poblacion

it seems like my life shutdown infront of my eyes..

“Sir ano na pong balita? nakita nyo ba ang anak ko?”

“Becca Calm down..” hagod ni nam sa likod ko

“May tumawag na po kanina.”

umupo ako sa upuan at nanginginig sa kaba, kung may nangyaring masama sakanya siguradong hindi ko kakayanin

“Ano pong sabi?”

“The woman said he’s wearing and white shirt and a blue short at sinabing freemo daw po ang pangalan.”

“Yes sir, my god.. sya nga po yung anak ko.”

“nagpapatila nalang daw po sila ng ulan bago aalis.”

tumango ako ng paulit ulit

“Wag nyo na ho sanang iwan kahit saglit lang ang anak nyo lalo na’t iniwan nyo rin sa bata, delikado ho dito sa Manila.”

nakaramdam ako ng galit sa puso ko dahil sa kapabayaan ko

anong klaseng magulang ako..

mag aalauna na ng huminto ang ulan, hindi nako makapag hintay na makita si freemo

“Mommyyy.”

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay nam at nakitang hawak ni Natalia si freemo na tumatakbo papasok sa loob

“Omy god Freemo.”

sinalubong nya ko ng yakap agad kaya malapit pa kaming matumba dalawa

“Mommmyyy sorry po.” iyak nya

I hug him tight and kiss his head, Lord thank you.. My son is safe..

kinarga ko sya agad at hinalik halikan ang leeg at pisngi

May lalaking nakatingin samin at may hawak hawak na isang batman na bag, pansin ko ring iba na ang sapatos ni freemo at batman din ang design

“Don’t ever leave him again, if ever my boss didn’t saw him outside the convenience store siguradong mapapahamak sya dahil sa bagyo.”

“Sir thank you so much, hindi ko alam kung anong gagawin pag may nangyaring masama sakanya.”

“Kay Engineer Ramirez po dapat kayo magpasalamat.” wika nito.

Nagulat ako sa binigkas nya na apelyido

“Ramirez?”

tumango ito.

“Nam..” I called her at gulat din itong nakatingin sa lalaki

“hindi lang sya ang nakapaghatid dito dahil my business meeting po sila ngayong hapon.” dagdag pa nito.

“sir ano hong pangalan nyo?” tanong ni nam

“Heng Asavarid butler of Mr.Henry Ramirez.”

my eyes widened

nakipag shake hands pa ito sakin

“sir we’re looking for Mr. Henry Ramirez.” sabi ko

“Huh? what a coincidence.. ” manghang sabi nito

“Kaya po kami nandito sa manila dahil ilang araw nanamin sya hinahanap.”

________

Habang nag dadrive ako ay labis labis ang pagdiriwang ng puso ko

anak ko lang pala ang makakahanap sakanya

“Ngayon naba tayo pupunta sa Ramirez Company?” tanong ni nam sa tabi ko

Binigyan kasi kami ng address ni Mr. Asavarid, pasalamat talaga kami sakanya dahil dun

kahit traffic sa manila ay hindi naman nakaka inip lalo na’t panatag na ang loob ko dahil nakita nanamin si freemo, nagkukulitan pa sila dalawa ni natalia sa backseat

“Mommyy I got myself a girlfriend.” sabi nito habang tumatawa dahil panay ang kiliti ni Natalia sakanya

gusto ko rin sanang makipakulitan sakanila kaso nag dadrive ako ng maayos

“Hmmm ang bata mo pa ah..” nam tease him

“Nam iba ang ibig sabihin nyan, friend na girl siguro.” singit ko at napailing nalang

“No mommy.. she’s really my girlfriend.”

“Hay nako freemo bawal kapa mag girlfriend.” pabirong hampas ni natalia sa binti nito

natawa ako dahil dun..

“Mommyy stop laughing, I’m serious.”

“Yun bang girl na nakakita sayo? si Engineer Ramirez?” tanong ni nam

“Yes Tita, we have the same name.”

“freemo?” I looked at him at the mirror

“No, not freemo.. her name is Freen.”

napapreno ako ng malakas dahil sa gulat

“ANO KABA NAMAN BECCA.” sigaw ni nam

she bumped her forehead on my dashboard

“Okay lang ba kayo?” napatingin ako sa likod at tawang tawa lang si freemo

tumingin ako kay natalia at gulat rin ang mga mata nya at narealize kong si Nam lang ang naapektuhan sa pagpreno ko

“TITA.” freemo Shouted

“What?”

“Don’t scold at mommy.”

Napangiti ako bigla

“Nam?” tawag ko at nakasimangot syang nakaharap sakin “Who spilled out freens name to freemo?” I asked seriously

umiling sya

“Natalia?” lumingon ako sa likod

“Never po ate.” sagot nito sakin

nagpatuloy ako sa pagdadrive at narealize na tumahimik silang tatlo

tiningnan ko ulit si freemo na tahimik na nakaupo at panay ang pag ikot ng hintuturo nya sa relong suot nya

it’s perfectly fit on him

“Freem.. where did you get that thing?”

“Hmm Freen..” sagot nito

napapikit ako dahil sa pag banggit nya ng pangalan ni freen, naninibago ako

“so the name of engineer ramirez is freen?” tanong ni nam sa anak ko

my son nodded

“Freen Ramirez?” tanong ni Natalia ulit

“yes natalia..” si nam ang sumagot sakanya

lumungkot ang mukha nito

“Saan na kaya ngayon si ate freen.”

“NATALIA.” pagalit na saway ko

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 31 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 32