“hoy ayos ka lang ba?”
Napalingon naman si Zayah dahil sa sinabi ko. Nakatanaw lang ito sa mga malalaking bundok at punoan habang may hawak na inomin sa kanang kamay nito. Alam kong may problema ito dahil palagi itong pumupunta sa rooftop ng DPO pag may bumabagabag sa isip nito.
“i’m good, may iniisip lang.”
“Care to share?.”
Tinapunan lang ako nito ng tingin bago binalik ang tingin sa basong hawak niya.
“I was just confused.” mahinang sambit nito at pinaikot ang laman ng baso.
“Of what?.”
“you know what i mean.”
oh right!. Seryoso ko naman itong tiningnan nang mapagtanto ang pinahiwatig niya. Pareho kami ng sitwasyon pero ang kaibahan lang ay…
“What’s your plan?” tanong ko dito habang nilalanghap ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko.
“I don’t know, i’ll just grab , take and let the fate decide.”
“hoy wag kang magpadalos dalos. Knowing you, you’ll just use your authority kahit siya pa ang kaharap mo kapal ng mukha nito.”
Ewan ko ba kung matutuwa or matatakot ako para kay miss alliyah. Kung siguro hindi ko kilala si zayah matatakot rin ako dito. Tumatawa lang ito pag saming mga barkada at mga malalapit sakanya pero pag ibang tao hindi mo gugustuhing tingnan ito kahit man lang sa mata.
She’s silent at masyadong mapanganib. Ang zayah na kilala ko iniisip ng mabuti ang gagawin bago humakbang pero itong kaharap ko ngayon ibang iba. She seems so vulnerable right now.
“She’s stubborn rajim and heck sinusungitan ako kahit wala naman akong ginagawa. Should i punish her?”
Nagsalubong ang kilay nito habang nagdedelaryo.
“Alam mo naman ikot ng bituka niyan , pareho lang silang magkakaibigan na pinaglihi ata sa sama ng loob.” natatawang sambit ko sakanya habang umiiling iling.
“Habaan mo lang pasensya mo dun” dugtong ko pa dito at tinapik tapik ang balikat nito.
—-
“Here’s the files of your next mission ma’am.”
Napalingon naman ako kay Jerry na kakapasok palang at inabot sakin ang folder. Sinenyasan ko itong umalis kaya naman binuklat ko na ang ang folder na hawak ko habang naka sandal sa swivel chair dito sa opisina ko sa DPO.
Napangisi nalang ako habang binabasa ang nilalaman nito. This is a big fish, ang sarap hulihin ng mga ganito.
The folder contains information about the profile of drug lords in the south and also the date of the transaction. So may malaking transaction sila sa darating na sabado. It’s tuesday ,we still have 3days to plan our move.
Nilapag ko naman ang folder sa mesa pagkatapos ko itong basahan. Nilabas ko naman ang cellphone ko at inopen. Where is she heading to?
Naglagay kasi ako ng dash location sa sasakyan ni Doc Sol para ma track kung saan man ito pupunta. Ngayon pa na alam kong mas nahuhulog ang loob ko dito, di ko hahayaang may masamang mangyari sakanya.
Hindi ko alam kong tama ba tong ginawa ko dahil alam kong may boyfriend siya. Di pa naman sila kasal diba? So pwede pang maagaw. Isapa i can provide and take care of her better than her so called boyfriend. Pwede ngang hindi na siya magtrabaho at pati kaluluwa ng boyfriend niya bibilhin ko.
—
Nakatanaw lang ako sa restaurant na pinasukan ni Soline. Nandito ako sa may di kalayuan nagpark ng sasakyan ko. Ilang minuto pa ay lumabas narin ako at nagtungo papasok sa restaurant.
Umopo naman ako sa di kalayuan sa kanila. Mukhang nagfafamily dinner ata sila dahil may kasama matatanda sa hapag.
Tiningnan ko naman isa isa ang mga tao dun, 9 silang lahat nakaupo sa mahabang mesa.
Dito sa mesa ko ay tanaw ko ang dalawang matatanda sa harap. Di naman as in sobrang tanda dahil magaganda’t gwapo parin ito kahit may edad na.
Napangiti naman ako ng pasadahan ko ng tingin ang busangot na mukha ni Cody na pinaggitnaan ng mga magulang niya siguro dahil kamukha niya ang mga ito.
Dumapo naman ang paningin ko sa mga nakatalikod na umopo sa banda ko. Dalawang babae ang nasa gitna isa na roon si Miss Sol at mga lalaki naman sa mga gilid nito.
“Miss what’s your order.”
Napukaw naman ang atensyon ko sa waiter na lumapit sakin.
“ur best course.” tugon ko dito at agad naman itong tumango. Lumingon naman ako sa banda nila ma’am at nagsalubong ang tingin namin ni Cody.
Bigla namang nagliwanag ang mga mukha nito at mabilis na tumayo sa upoan na kinagulat ng pamilya nito.
” tita pretty!!.”
Mabilis naman itong umikot at tumatakbong lumapit sakin. Muntik panga itong madapa buti nalang ay nahawakan ko agad.
“be careful bud.” sabi ko dito habang inaayos ang porma nito. Kahit kailan napaka gwapong bata talaga.
“I miss you po!.” nagtatalon naman ito habang nakangiti ng malawak sakin. Nilingon ko naman ang pamilya niya na nakatingin pala sakin. Nabaling ang tingin ko kay ma’am na mariing nakatitig lang sakin.
“I miss you too baby.” tugon ko naman dito
“Come with me po”
Nanlaki ang mata naman na sinunod ko ito nang bigla niyakong hilahin papunta sa mesa nila. Gago meet the parents ba to??
” Mami Lola she’s tita pretty po yung sinabi ko sa inyo nung last time na kalaro ko po!”
Pinagpapawisan akong nakatingin sa batang malawak ang ngiti sakin. Kinakabahan ako tangina.
“Oh? Ijah halika join us c’mon.”
Nabaling naman ang tingin ko sa matandang babae and she motioned me to sit sa gitna ng long table.
“Ah napadaan lang po kasi ako at may inorder lang dito sa resto.”
Mahinang napakamot naman ako sa kilay pagkatapos ko itong sabihin.
“I’ll just tell the staff to bring your order here okay?.”
Wala na akong nagawa kundi sundin nalamang ito. Nilibot ko naman ang tingin sakanila na nakatingin pala sakin. Nakita ko pa ang pagsinghap ng isang lalaki dito sa may kaliwa ko at panlalaki ng mata ng isang babaeng katabi ni Miss Sol. Nasa head seat ako nakaupo , sa kanan ko si Cody at sa kaliwa ko naman ay yung isang lalaki.
I mentally rolled my eyes nang mabaling ang tingin ko sa dulong katabi ni Miss Sol. Bakit kasi may asungot pa. Si Miss Sol naman ay tahimik lang na nakatingin sakin.
“What’s your name ijah? I’m Serine Ramirez by the way but you can call me Tita Irene.” nakangiti nitong sabi sakin.
Dumating naman ang mga pagkain at hinanda sa mesa. Ilang minuto pa ay nag simula na kaming kumain. Inangat ko naman ang tingin kay Mrs. Ramirez at nginitian ito.
“I’m Rajim po. Rajim Lopez.” nakangiting sabi ko sa mga ito. Napatigil naman ito sa pagkain at tumingin sakin.
“Are you related to Late General Ramon Lopez?.”
Natigil naman ako sa pagsubo dahil sa malalim na boses galing kay Mr. Ramirez.
“He’s my grand father sir.”
Tumango tango naman ito at napangiti sakin kaya napabuga ako ng hangin dahil sa kaba.
“How do you know her grand father dad?”
Napalingon naman ako sa tanong ni Miss Sol na tahimik na naghihiwa ng steak.
“He’s my mentor when i was in college. He’s a great man.” nakangiting sabi ni Mr. Lopez
“I’m Ricky by the way. Just call me tito ricky okay?”
Napangiting napatango naman ako dito. Sa unang tingin strikto talaga siya pero hindi naman pala ,mukha itong mabait.
“This is Sage my eldest with her husband Mikael and son Cody.”
Nginitian naman ako ng magasawang magaganda at gwapo ,lalong na si Cody na kinindatan pa ako. Napaka kulit talaga nito.
“In your left that’s my only son Percival and my youngest daughters Seriel and Soline. Lastly, he’s Chase , Soline’s boyfriend.”
Napairap nalang ako sa kawalan ng mapatingin ako sa mukhang ulopong na jowa ni Miss na nakangiti sakin tsk sarap burahin.
Isa isa itong tinuro ni tito ricky at nakipagkamay naman ito sakin.
“I know her dad , she’s my student.” mahinang sambit ni Miss Sol kaya napalingon silang lahat sakanya.
“really? That’s great!.” Ako lang ba or parang masyado naman atang oa ang reaction ni tito. Ang lawak ng ngiti nito.
“So how’s my daughter as your professor ijah?.”
“She’s great sir.” nakangiting sambit ko dito
Napahagikhik naman sa gilid ko si Cody at kinukurot pa talaga ng maliliit nyang daliri ang hita ko. Napatingin naman ako kay Miss Sol na nakatutok lang ang tingin sa pagkain pero di nakaligtas sa paningin ko ang pagkawala ng isang ngiti sa kanyang mga labi.
Comment