Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10

A+ A-

Freen

“Itali nyo ng mabuti yan ng matuto..”

wala ako sa sarili habang itinatali ako sa madilim na selda, nandito nanaman ako, nabigo nanaman ako

itinuro ni nanay na dapat wag akong susuko lalo na sa pangarap ko sa buhay, pero kung laging ganito?

parang gusto ko nalang sumuko

nakakapagod na

“Hindi kana ba nadadala ha?” sigaw ng lalaking tumatali sa mga kamay ko “gusto mo bang patayin kana lang namin? tuwing tumatangka kang lumabas ng poblacion.. kami lagi ang nabubuntunan ng galit ng Gobernador..”

“Mas mabuti ngang patayin nyo nalang ako, ayoko na dito..” sigaw ko

“abat sumasagot kapa.”

bigla nya kong sinuntok sa pisngi at ramdam ko ang apoy na umuupot sa balat ko.. ganun lagi ang pakiramdam tuwing binubugbog ako

kasalanan ko naman

dahil lagi ko sila binibigyan ng problema

sila ang nag babantay sakin dito sa poblacion…

ilang beses ko ng tinangkang tumakas, akala ko magtatagumpay nako

pero nagkamali ako

___Flashback 12 years ago____________

“Ito nalang ba lagi ang iuuwi mo dito? Hindi kaba naaawa sa mga bata?”
sermon ni nanay

minsan lang kung umuwi si papa, trabahante sya ng Gobernador dito sa poblacion at halos once a month lang silang pinapauwi

“Nah, wala na tayong magagawa, ang laki na ng utang natin kay Gov. kaya sa sweldo ko na ibinabawas..”

umupo si tatay at tinitingnan si ate Sunny kung bumaba naba ang lagnat nito.. she has leukemia

kaya baon talaga kami sa utang dahil sa pag papagamot sakanya

si ate sunny ang nakakatanda kong kapatid, pag tungtong nya ng highschool saka pa nadiskubre na may sakit sya

nakakalungkot lang isipin dahil sakanya pa nangyari toh

sana sakin nalang.. kung gagraduate na sya makakatulong na sya kilala papa.. eh ako grade 2 palang mag wawalong taong gulang palang sa agusto

naiinis ako dahil wala man lang akong maitulong sakanila

sa isang buwan halos isang libo lang ang naibibigay ni tatay samin para sa pang araw-araw, ang pangpahospital naman ni ate.. minsan umuutang ulit si tatay

buti nalang talaga at sa may falls ang bahay namin banda, nakakahuli kami ng isda pang ulam lagi at libre na sa tubig tuwing lalaba at maliligo

masaya na sana kami kung hindi lang nanganganib ang buhay ni ate araw araw

halos puro problema nalang nararanasan ng pamilya ko

sobrang hirap

hapon na ng umalis uli si tatay, ang sabi nya uutang uli sya sa gobernador dahil kailangan ng iadmit muna si ate dahil nag susuka na sya madalas ng dugo, hindi namin alam kung anong gagawin

nandito ako ngayon sa falls at napag pasyahan ko munang mag laba dahil dumadami narin ang labahan, linggo kasi ngayon at klase na bukas

“MAMAA..”

napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig na iyak sa kakahuyan

“PAPAA HMM.”

Ang lakas ng iyak nito, pagod akong tumayo, nagpapahinga lang kasi ako dito sa malaking bato dahil ibinababad ko lang yung puting nilalabhan ko sa palanggana

Nag lakad ako sa kakahuyan at hinahanap kung sinong umiiyak, kung sakaling gabi ko ito maririnig..hindi talaga ako mag aabalang hanapin toh, baka naman multo lang kung sakali

“MAMA..” halos histerya na kung umiyak ito

may nakasalubong ako na mataba na batang babae

Oh Jesus..!

Angel ba yan? napaka puti nito at medyo dark brown ang buhok, pulang pula na mga pisngi at mata nya kakaiyak

Nagulat ito ng makita ako kaya biglang tumakbo

“hoy bata delikado dyan..”

lintik na.. paakyat sya sa may maliit na falls

“MAMA, PAPA..” takot na sigaw nya

ang bilis tumakbo

“woy bata..halika nga dito..”

tumakbo ako ng mabilis at nadapa ako, dahil sa naka short lang ako.. sugat agad ang natamo ko

napalingon yung bata sakin

“wag kang pupunta dyan..” pakiusap ko at pilit na tumayo

“Mama said don’t talk to strangers.” galit na tugon nya sakin

malapit ko na sana sya syang mahawakan ng tumakbo sya ulit

ang pasaway hayss..

when she step at the big tree, I run as fast as I can and hold her arm at sabay kaming nadulas

“Wahhhhhh.” sigaw ko ng nahulog kami pareho sa falls

*Bogshh

pagbagsak namin sa tubig eh nabitawan ko ang kamay nya

“Tulong….” I scream

nag eensayo palang akong lumangoy eh, lumangoy ako ulit pailalim para hanapin yung bata pero wala sya

“Bataaa asan ka?” sigaw ko

sinubukan kong kumalma at inilibot ang mga mata

at nakita ko syang lumulutang na sa tubig malapit sa falls

Hindi pwede toh..

sa takot ko, lumangoy ako ng mabilis papunta sakanya at hinila sya

“Bata gising..”

nahimatay ata sya

“ATE SUNNY TULONG..” sigaw ko

siguradong tulog pa yun

ng makaahon na kami eh nahirapan pakong kargahin sya dahil sa bigat nya

“hala ka sino yan?”

napatingala ako ng makita si nam na tumatakbo palapit sakin

“Diko kilala, nahulog kami dun, diko alam kung nalunod ba sya o nahimatay lang..”

“iCPR mo dali..” sigaw ni nam at mukhang takot narin

“CPR eh hindi ako marunong..”

“Basta halikan mo lang ako na bahala sumuntok sa dibdib nyan..”

napatakip ako sa bibig ko

“Dali na freen pag ito namatay konsensya natin..”

Nam start to push her fist on her chest

“FREEN ANO BA .. HOY BATA GISING..” Inuuyog nato ni nam

“Ayoko nga inaalagaan ko 1st kiss ko..” Napapikit sya

“Ay gago.. babae naman toh hindi to counted.”

nakita kong nangingitim na ang labi ng bata at mga daliri

lumuhod nako at yumuko, binuka ko yung bibig nya at hinalikan sya

“Freen hipan mo.. tapos i close mong mabuti.”

ang lakas na ng pag suntok ni nam at inilagay ko sa dibdib nya ang kamay ko, para hindi sya masaktan lalo

Isang bagsak pa ni nam sa dibdib nya, ramdam ko yung biglang pag tibok ng puso nya

bigla itong gumalaw at sumuka ng tubig, sapol nga sa mukha ko eh

napaupo si nam sa tabi ko
“Haayy kinabahan ako dun ah..”

“Okay kalang ba?” tanong ko

hinang hina parin syang tingnan at pilit tumayo kaya inalalayan ko

“Opo..” paiyak na sagot nito

“ang cute naman yang batang yan, bakit walang ganyan dito?” tanong ni nam

“Ano pangalan mo?” I ask and caressed her right cheek using my knuckles

“Becca..”

“taga saan kaba?” nam ask her

“hmm hindi ko alam wahhh..”

umiyak to ng malakas

“pwede ba Nam wag ka puro tanong..” inis na sabi ko

“Kuhanan mo sya ng damit dun at ako muna mag babantay..” suggest ni nam

“ayoko pangit ka..” sigaw ni becca sakanya

“Aba’t ang bastos nito ah..”

aaksyunan sana ni nam na paluin ito ng tumago ito sa likod ko at umiyak ulit

hays ang sakit sa ulo

“nam ano ba, tinatakot mo eh..” sigaw ko

tumayo si nam ng galit ang mga matang tumingin sakin

“Hmp edi ikaw na bahala sa malditang yan.. dyan na nga kayo.”

nag marcha ito paalis

bumaling ako sa batang hawak ang kamay ko at tahimik lang itong sinisway sway ang kamay namin

“Halika na? bihis ka muna..”

“Ayoko.. what if bad guy is right there?” itinuro nya yung bahay sa taas

“Bad guy?”

She nodded

“The bad guy took me and leave me at the road that’s why I lost.” mahabang paliwanag nya

“Ilang taon kana?”

she raised her hand
“Five..”

took her? lumaki ang mata kong tumingin sakanya

may kumidnap ba sa batang toh?

tumingin ako sa paligid at mukhang wala naman syang kasama

she pointed her index finger at the woods

“My bag..”

may bag nga dun

kinakabahan ako, kung kinidnap tong batang toh baka nga may masamang taong kumukuha ng bata sa poblacion malaya

ubo sya ng ubo habang pinupunasan ko ang buong katawan nya ng towel sana magkaron ako ng kapatid na ganito kacute, ang likot ng mga mata nya habang inililibot ang tingin kahit saan

“Call me ate freen..”

“No, you’re not my sister..”

“may number kaba ng magulang mo?”

umiling sya

pagkatapos ko syang bihisan eh kinuha ko yung bag nya, baka naman may information ang batang toh dito

I open her bag at nagulantang ako dahil punong puno ito ng perang papel

“Freen..anak.”

narinig ko si nanay na mukhang papalapit na sa bahay

isinarado ko ang bag at itinago sa ilalim ng kama

“becca tago ka muna..” bulong ko sakanya

lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong si nanay

“Gabi na hindi parin nakakarating ang tatay mo.”

nag papalit ng damit si nanay at nagbabalot ng damit

“Nay san ka pupunta ulit?”

“Susunduin ko lang ang tatay mo, inihahanda ko lang tong damit ng ate mo dahil iaadmit namin sya ngayon sa hospital.. wag ka ng lalabas ng bahay ah dahil babalik kami agad bantayan mo muna ate mo..”

“Opo nay, ingat ka po..”

“Halika nga dito..”

lumapit ako sakanya at inakap sya ng mahigpit

“hmm..pasensya kana anak ah lagi kaming abala ng tatay mo sa ate mo, wag kang mag tatampo samin ah..”

“naiintindihan ko naman po sitwasyon natin nay, wag ka pong mag alala kakain ako ng maraming gulay para hindi ako magkasakit at matutulungan ko kayo ni tatay.”

“hay nako wag ka munang mag iisip ng ganyan, basta aral mabuti ah, para rin yan sayo..”

“Opo nay..”

“sige na at baka lalo kaming gabihin ng tatay mo..”

_____

“Freen..”

“freen wake up..”

naalimpungatan ako bigla

ugh gabi pa ah wala paba sila nanay?

“Freen..wake up I’m hungry.” sabi ng bata sa tabi ko

ibinalot ko sya sa kumot at inakap sya ng mahigpit

“Freen I can’t breathe.” reklamo nito

“hmm bakit kasi ang taba mo, sarap yakapin..”

tawang tawa sya, kinikiliti ko sya sa ilalim ng kumot

“hey stop hahah, I’m hungry freen..”

“don’t talk to strangers diba? matutulog nako.” tinalikuran ko sya

“ehhh you’re not stranger anymore, come on..”

hays sa kakulitan nya lumabas na kami pareho sa kwarto

chineck ko muna si ate kung okay lang ba sya

salamat nalang at wala na syang lagnat
“Ate kain muna tayo..”

“Ikaw nalang muna bunso..” tugon nya

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 10 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 11