Nag umaga nalang ng hindi parin umuuwi si nanay, asan na kaya sila?
“don’t leave me here please..”
“eh may pasok ako ngayon becca..”
“hmmpp.”
“kailangan ko rin makahanap ng TV becca, kung kinidnap ka.. baka nasa news kana.”
“Freenn.” ate sunny called me
tumakbo ako papasok sa kwarto ni ate at nadatnan ko syang umaapoy sa lagnat
“Ate, ate ang taas ng lagnat mo..”
labis ang takot ko dahil wala pa sila nanay, baka kailangan na nyang idala sa hospital
wala rin kaming cellphone para macontact sila
hinubad ko yung bag ko at kumuha ng isang timba ng tubig at maliit na towel, nilagyan ko rin ng konting sukang puti ito
“what happened to her?” she ask
“mataas lagnat nya.”
bigla syang nawala sa harap ko kaya pumasok nako sa kwarto ni ate, inumpisahan ko ng punasan ang katawan nya para kahit papano bumaba ang lagnat
“Freen..” tawag ni becca, dala dala nya ang bag nya
“we can buy medicine like what mama do.”
napatulala ako sakanya
medicine?
“becca hindi ko alam anong klaseng gamot.”
“ahm you can tell them ahmm for high fever?”
tumingin ako kay ate at nakatulog ito ulit..
binitawan ko na yung towel at hinawakan si becca sa kamay
“Tara.”
hinila ko na sya at tumatakbo na kami pababa, 5 inches lang ang taas ko kay becca kaya nahihirapan akong tumakbo dahil maliit lang ang mga hakbang nito
nakarating kami sa bayan at bumili agad ng gamot
“ahmm gamot nga po para sa mataas ang lagnat”
“ilang taon ba ang iinom bata?”
panay ang tingin nito sa batang katabi ko, hinila ko si becca at yumakap naman toh sa bewang ko
“Ahm 14 po.. ate ko..”
ibinigay ko ang isang libo at biglang nag reklamo yung babae
“isang gamot isang libo?”
napakamot ako sa ulo
“becca may gusto kabang bilhin?”
“I want milk..tell her 1 box of fresh milk.” she whispered
she looked scared, hindi sya komportable sa maraming tao
pagkatapos naming mamili eh nag lakad na kami pauwi
“Hoy diba yan yung bata sa TV.” rinig ko na banggit ng ale sa tindahan
umiinom si becca ng gatas ng bigla silang lumapit
“becca bilis..”
naglakad kami ng mabilis kaso may bumangga samin na matangkad na lalake, nagulat ako ng nabitawan ni becca yung gatas at nahulog yun sa lupa
biglang tumakbo si becca kaya nabitawan ko kamay nya
“BECCA..”
“FREEN HE’S THE BAD GUY.” sigaw nya
Tatakbo na sana ako ng dinampot ako ng lalake at yung bag na hawak ko
“Ikaw lang pala makakakita sa pasaway na yun..”
bumalik si becca at pinagpapalo yung lalaki sa likod
“Let her go…” iyak nito
tinulak sya ng lalaki kaya bumagsak sya sa lupa
“ay gago.” Sigaw ko at sinipa ang lalaki sa harapan kaya nabitawan ako nito
“tara becca..”
naiwan namin yung bag at gamot lang ang nadala namin
hinabol kami ng lalaki at kahit saan nalang kami lumulusot para maligaw lang sya
“Freen what if he kill us.”
“Shh hindi yun mangyayare.”
[Gobernador Ramon ay aksidenteng nabaril ang kanyang tauhan at napatay dahil sa pagtatangka nitong pagsamantalahan ang kanyang asawa..]
napatayo ako sa narinig at tumingin sa loob ng tindahan na pinag tataguan namin
Para akong tinakasan ng hininga ng makita ang aking ama na nasa hospital
[Hindi magagawa yun ng asaw ko..] yun lang ang tangi kong narinig na sinabi ni nanay
“Papa..” becca pulled my shirt
napatingin ako sakanya at tinuturo yung balita sa TV
“Papa..”
huminga ako ng mabilis at tumakbo, kailangan kong puntahan si ate
“Freen..” sigaw ni becca
galit na galit ako
hindi magagawa ni tatay yun
nakita kong tumatakbo na rin si becca at hinahabol ako
“Freen wait for me, don’t leave me here..” umiyak na ito kakahabol sakin
bawat hikbi nya parang may pumupunit sa puso ko..
pabagal bagal nakong tumakbo hanggang sa makalapit na sya sakin
she hugged me
gusto ko syang saktan dahil pinatay ng papa nya ang tatay ko, pero habang yakap nya ko
narealize ko na wala syang kasalanan dito
pinasan ko sya sa likod ko pabalik sa bahay dahil mukhang pagod na pagod na ito kakalakad, kung anak sya ng Gobernador, malamang sanay na ito mabuhay ng marangya
“Maaalala mo pa kaya ako pag laki mo?” tanong ko
pero hindi na sya sumagot, nakatulog na ata, nag tatampo pa toh sakin dahil sa pag iwan ko sakanya
ang cute talaga..
yung galit ko bigla nalang nawala dahil sa pag iyak nya, parang gusto ko nalang syang patahanin at iuwi
_______
“Ate…”
tawag ko ng makarating ako sa bahay
“Sinugod na sya ng nanay mo sa hospital..” sabi ni aling Alicia
karga karga nya ang bag ni ate
“bakit hindi po nila ako hinintay?”
nagulat nalang ako ng yakapin ako ni aling Alicia
“Wala na ang ate mo..”
para akong pinag sakluban ng langit at lupa dahil sa narinig, ayaw akong pakawalan ni aling alicia at nakayakap lang sakin ng mahigpit
ang bigat bigat sa pakiramdam, halos hindi nako makahinga kakaiyak
ang sakit sobra
ito ba ang ganti sa ginawa ni itay? ginawa nya ba talaga yung bagay na yun?
ilang araw hindi umuwi si inay at si aling alicia lang nag hahatid ng pagkain sakin, medyo may kalayuan nga lang ang bahay nya dito
“I wanna go home..”
nakaupo si becca sa balkonahe habang nagluluto ako ng isda pang ulam namin
“mamimiss kita pag iniwan mo ko.”
“but I need to go home..” malungkot na tugon nito
I sighed
Alam ko naman saan ang bahay ng Governor pero tuwing iisipin ko na ibalik na sya, nalulungkot ako ng sobra nararamdaman ko na mag isa nalang ako sa bahay, halos gabi gabi narin ako umiiyak dahil sa pagkawala ni tatay at ate, Hindi parin umuuwi si nanay alam kong nasasaktan din sya dahil dun
“okay iuuwi na kita mamaya..”
“yehey..we can play there with kuya richie..”
“hindi pwede at bawal ako dun, pag uwi mo ito na yung huling kita natin.”
her eyes widened
sya lang laging nag papatahan sakin tuwing gabi pag umiiyak ako, halos nasanay nako sa presensya nya
“I can’t see you anymore?..” may lungkot sa boses nya
I nodded.
_______
Halos gabi na kami ng makarating sa hacienda na pinag tatrabahuhan ni tatay
kabaliktaran ang nangyari sa bahay, si becca na ang ayaw umuwi at ako naman nag pumilit, nangangayayat na kasi sya hindi na sya nakakainom ng gatas at laging isda nalang ang nakakain nya, wala kaya kaming kanin dahil hindi na umuuwi si nanay
“Freen I don’t want to leave you alone there, just come with me..”
pinunasan ko ang mga luha na umaagos sa pisngi nya, napangiti nalang ako dahil alam kong makakalimutan rin ako nito pag dating nang panahon
“No matter what happens..Freen Loves you okay?”
lalo itong umiyak ng malakas
“Love me? but you don’t want me to stay I hate you..”
bigla akong tinulak nito at tumakbo papasok ng hacienda, napaupo pa ako sa lupa
tumayo ako at pinagpag ang short
“ang dilim na tama kaya yung pinasukan nya? hays…”
tumakbo narin ako papasok para hanapin sya
“BECCAA.” I called her
ang layo na ng narating ko sa loob ng makita ko si becca na nakatalikod sakin, hindi na sya umiiyak
may nakita pa akong tumakbo papuntang kakahuyan sa dulo
“jusmiyo..”
may nakahiga na lalaki sa damuhan at punong puno ito ng dugo sa dibdib, agad kong hinila si becca palayo
“becca okay kalang ba?”
“ku-kuya..” bulong nya na parang wala sa sarili
ganun nalang ang gulat ko ng makitang may hawak sya na matalim na bagay, kutsilyo ito na puno ng dugo, Tulala lang sya at parang hindi ako nakikita
“becca akin na yan, bakit mo hawak toh?”
siguradong yung tumakbo ang may hawak nito
“becca ano nangyari?”
hindi parin sya sumasagot, kinuha ko sa mga kamay nya ang kutsilyo at aktong itatapon ko na ng biglang may sumulpot na mga malalaking lalaki
“OMY GODD.. KEVIN?”
Nakita ko ang mestisa na babae na tumatakbo papalapit sa lalaking nakahiga sa damuhan
hinawakan ko ang kamay ni becca ng mahigpit dahil sa takot
“Papa?” banggit nito
papalapit narin samin ang gobernador na mukhang galit na galit
“KEVIINNN.” histerya na iyak ng babae “Anong ginawa nila sayo..anak ko..”
“Bitiwan mo ang anak ko kung ayaw mong barilin ka ng mga tao ko..” galit na sabi ng Gobernador sakin
Naalala ko na sya ang pumatay sa tatay ko kaya nabuhay ang galit sa dibdib ko
“Bakit mo pinatay ang tatay ko? mabuting tao ang tatay ko..” sigaw ko sakanya
“KASALANAN MO TO RAMON.. PATI MGA ANAK MO NADADAMAY…KEVIN ANAK GISING..” sigaw ng babae sakanya
“Hindi po ako ang may gawa nyan may lala-“
“HINDI IKAW ANG MAY GAWA? EH HAWAK HAWAK MO ANG EBIDENSYA MANA KA SA TATAY MO ” sigaw ulit ng babae sakin
“Papa..” aktong lalapit si becca sakanila ng hinila ko yung kamay nya
“becca alam kong nakita mo kung sinong may gawa nito sabihin mo sakanila.”
“Papa..” iyak nito habang gustong kumawala sakin
“Bitiwan mo ang anak ko.” matigas na banggit ng Gobernador
binitawan ko na ito at tumakbo palapit sa ama nya at umiyak ito ng umiyak
“Freenn?”
napalingon ako ng makita si nanay na tumatakbo palapit sakin
“sya ba ang sumaksak sa kuya mo?” tanong ng papa ni becca sakanya
“Becca nakita mo kung sino ang may gawa nito ” sigaw ko
lumuhod ito para pantayan ang anak at hinawakan sa mukha
binitawan ko ang kutsilyo
nakita kong pinipigilan ng mga tauhan nito si nanay na lumapit sakin
“Sya ba ang sumaksak sa kuya mo?”
lumingon si becca sakin na punong puno ang luha sa mga mata
“Papa..” iyak nito
“Becca nakikinig kaba sakin?”
“Papa..”
napakunot ang noo ko simula ng madatnan ko sya, puro nalang sya papa at hindi makausap
“Sya po..” biglang turo nito sakin
umiling ako ng paulit ulit
nakita kong bumunot ng baril ang asawa ni gov.
at ng itinutok sakin ang baril bigla kong naramdaman ang yakap ni nanay
Napapikit pako sa lakas ng tunog ng baril
umiyak pa lalo yung babae ng mawalan ng malay si becca
“Nay..”
napaupo ako ng bumagsak kami pareho sa damuhan..
“Nay.. naaayy..”
Takot na sigaw ko dahil bigla itong sumuka ng dugo
“Lumaban ka anak.. protektahan mo sarili mo.”
“Kunin nyo yan.” utos ng Gobernador
halos mag wala ako ng kunin nila ako, pano na si nanay? kailangan sya dalhin sa hospital
“Ayoko sainyo, bitiwan nyo ko..”
“Nayy”
_________End of Flashback____
Comment