Becca
“becca may bisita ka..”
katok ni manang sa kwarto ko, Tamad akong tumayo at pilit na gumalaw para bumaba
nakakawalang gana talaga, today is sunday and I’m still thinking why freen is absent again last Thursday and friday, hindi ko rin sya mahagilap dito sa hacienda
tama ba talaga ang sinabi nya? that I like her? yes I initiated the kiss, eh pano ba naman kakahalik nya sakin parang nasanay nako na pwede if ever I wanted to kiss her
I wanted to kiss her?
oh jesus
Pano nauwi sa ganito? eh bully yun ah, o baka naman pinaglalaruan ako nun, new way of bullying? after I fall inlove she will dump me?
pagkababa ko ng hagdan eh naabutan ko si nop sa may sala na nakaupo sa sofa, he’s talking to papa
“Papa.”
“Oh nandyan na pala ang prinsesa ko, halika becca..”
ang laki pa ng ngiti nilang dalawa, pag kalapit ko eh binigyan ako ni Nop ng one bouquet of roses
Napangiti ako
“Thank you..”
tumingin ako sakanya at ang pula na ng pisngi nya kaya medyo natawa pako
“akala ko ba papa no boys allowed? eh bakit nandito yan?”
natawa si papa
“Hay naku napaka kulit nyan kanina pa, ang sabi manliligaw daw ng pormal, alam mo naman na gusto ko yung mga taong nirerespeto ang prinsesa ko sa ganitong bagay..”
napailing iling nalang ako
“Oh sya, maiwan ko muna kayo basta pag 4pm uwi na bata.”
napakamot si nop sa ulo hahahah 30 mins lang pala yun, 4 na eh
umalis si papa at inaya ko naman si nop na mag kape sa balkonahe, sa lahat ng Tao sa school nung bago palang ako, sya lang yung naging mabait sakin
“How’s school?” he ask
“hmm as of now okay naman.”
he nodded and sip on his coffee
“okay lang ba na nililigawan kita?”
tumingin ako sa mga mata nya at seryoso syang nakatitig sakin
“you never get out of my mind, I really really like you becca.” he said at ipinatong ang kamay nya sa kamay ko
“BONBON hays kanina pa kita hinahanap akala ko kasama mo si boy..”
mabilis kong inalis ang kamay ko kay Nop ng marinig ang sinabi ni Natalia
nandito sya?
inilibot ko ang paningin ko pero wala naman sya, kinuha ni natalia si bonbon sa hagdan ng balkonahe
jeez ang cute nila
I wanna squeeze them both
“Sino yan?” Nop ask me
“ah si Natalia anak ni manang Alicia..”
“halos ang cute at ganda ng mga tao dito.”
napatawa ako ng malakas sa sinabi nya, nagulat nalang ako ng hinaplos nya ang pisngi ko
“keep smiling, you’re the most beautiful girl that I’ve ever seen.”
pulang pula ako sa sinabi nya
simula kasi ng tumira na ako dito sa poblacion at mag aral, feeling ko ang pangit ko dahil walang gustong kumausap sakin at binubully pa
bumaba talaga ang confidence ko ng 0% but every time freen saying that I’m beautiful everytime we had a happy time, naging 50% na
“Pag ikaw nadatnan ni kuya dito, siguradong lagot ka.”
“Oo nga eh binalaan nga ako nun ligawan ko na lahat wag lang ikaw.”
napaka daming ikinikwento ni nop sakin, sakit na ng panga ko kakatawa dahil napaka joker nya
ang gaan ng loob ko sakanya
“Payag kaba pag nag Aya ako ng date? papaalam narin ako sa kuya mo..”
“date? pag iisipan ko..”
he chuckled
I crossed my arms and waiting him to leave, Tumalikod na sya at bumaba ng hagdan palabas ng bahay
kung hindi sya bumisita dito malamang napaka boring ng sunday ko
_____
“Oh naka busangot ka dyan.?”
“Wala, kumain kana lang dyan.”
we’re here at the canteen area, bothered parin ako..late na ngang pumasok si freen tapos uuwi sya agad na wala pang time.. I don’t know why the teacher is tolerating her to do that
“Hi becca pwedeng makiupo.?”
nagulat ako ng may tatlong babae na lumapit sakin at ngiting ngiti pa habang nakatingin sakin
“No hindi pwe–”
I covered Irins mouth
“Oo okay lang..”
umupo sila sa harapan namin at inalabas ang kanilang pagkain
“Ako nga pala si Nita..” kinuha nito ang kamay ko at shinake pa
hindi ko alam kung anong irereact ko
“ako naman si Susane at itong katabi ko si Yohan kapatid ko.”
I analyze their faces at mukhang genuine naman sila
inilibot ko ang mata ko sa buong canteen at halos lahat tuwing nahuhuli akong tumingin ay nag Ha-Hi pa sila
what the fuck is happening?
“ang ganda mo pala talaga sa malapitan..” Nita said and I blushed
“Hindi naman.” sagot ko at halos mabulunan si Irin sa sinabi ko
“Langya napaka humble.” susane exclaimed
nagtawanan pa sila sa harapan ko, napa facepalm nalang ako
“Ano nakain nyo?” tanong ko na nakapagpatahimik sakanila
pero inignora lang nila ako at nag umpisa ng kumain
tumingin ako kay Irin at tinaasan lang ako ng kilay
hays hindi nya ba gets kung anong nangyayari? yung expectations ko nung 1st day of school eh ngayon pa ata nangyayari
“Luh si freen oh.”
kalabit ni susane kay yohan, halos lagutan ako ng hininga ng nagtama ang mga mata naming dalawa, napakalamig ng tingin nya sakin
nilampasan ako nito at pumunta sa mga pagkain
hindi ko sya madalas makita dito
binigyan sya ng isang bote ng tubig at hindi na sya kumuha ng pagkain
“Alam mo ang cute nya talaga lakas din ng apeal ” banggit ni nita na nagpawala ng mood ko
umupo si freen sa di kalayuan sa mesa namin at nakatitig parin sya sakin
sumilip ako sa bag ko at tumingin sa maliit na salamin, I fix my hair and checking my uniform if there’s a dirt on it
shit I’m not comfortable
“hoy ang likot mo, ubusin mo nayang pagkain mo” iritang sabi ni Irin
I take a deep breath and my gaze turn to Yohan at nakangisi syang nakatingin sakin at umiling
“diba galing kang Singapore?” susane ask me
“ahmm Oo.”
“nag-aral ka dun simula elementary?”
I nodded.
“Ang swerte mo naman.. alam mo bang pangarap kong pumunta dun.”
uminom ako ng juice dahil ng tumingin ako ulit kay freen eh seryoso paring nakatitig sakin, hindi ako mapakali
“bakit pangarap mo dun eh mas maganda naman dito satin” sabi naman ni nita
“Nandun mama namin ni yohan eh bihira lang sya kung umuwi.”
baliktad talaga ang ikot ng mundo, ako naman pangarap kong makabalik dito sa Poblacion malaya habang sya pangarap na pumuntang Singapore
“Pwedeng makuha number mo? matagal na naming gustong makipag kaibigan sayo, akala kasi namin salbahe ka.” susane said
‘ikaw yung salbahe.’
I remembered what natalia said..
salbahe ba 1st expression nila sakin? kaya ba ang sama rin ng trato ni freen sakin madalas?
si Nita, susane at yohan ay hindi ko rin classmates bakit kaya mas nag kakaron pako ng kaibigan sa ibang section? hays
naunang umalis ng canteen si freen at sumunod din kami agad dahil time na
“For your special activity, you need to create an infographic about globalization, pick your partners, and choose among five different dimensions of globalization..political, cultural, and so on.”
everyone start to find their partners, nam go towards me and pulled my hand
I see kaddie was looking to freen but Tee is already freens partner, I can see in her eyes how sad she was and look down
“Class minimize your voices, discuss what to do in your activity with your partners and you will submit your works on me next Monday.”
“We can’t submit it online?”
“No, you need to print out your work and dapat naka Frame na sya.”
“ma’am gaano po kalaki ang picture?”
“parang kasing Laki ng 1/4 na illustration board.”
kasama ko sila tee at freen sa likod na nakaupo, nakapatong lang yung ulo ni freen sa desk nya habang nakatanaw sa labas ng bintana
wala man lang kaming interaction dalawa simula pa kaninang umaga, parang ayaw nya kong pansinin at ang sama kung makatingin
“eh nam ikaw lang naman ang merong Laptop satin eh..” reklamo ni Tee
“bakit kasi si freen ang pinili mo at hindi ako?” tinaasan sya ng kilay ni nam
“Edi tayo nalang mag partner.” Tawang sagot ni Tee na ikinagulat ko
“Oh dito ka umupo becca..” hinila ako ni nam at pinaupo sa tabi ni freen
nag simula ng mag discuss si Nam at tee sa kabilang upuan
hays
paano ko naman kakausapin ang isang toh?
“Freen..” mahinang tawag ko
gumalaw ito at humarap sakin pero nakapatong parin ang ulo nya sa mga braso nya
antok ba sya?
“Nextweek pa naman diba?” paos na tanong nya
I nodded
“Ahm gusto mo ba political globalization nalang ang atin?” tanong ko
napaka pungay ng mga mata nya, kinapa ko ang noo nya at nagulat ako ng maramdamang napakainit ng noo nya, ganun din ang leeg nya at mga braso
“Kung anong gusto mo yun na.” sabi nya
“Freen may lagnat ka.. kumain kaba kanina pag alis mo ng room ng maaga?”
she nodded.
“masakit ba ulo mo?”
“medyo.”
“ipapaalam kita kay ma’am-“
“wag na, mas sariwa ang hangin dito kaysa sa clinic walang bintana at aircon lang.” paliwanag nya
umalis ako at kinuha ko ang bag ko sa upuan ko katabi ni kaddie
“ahm kaddie may tubig kapa ba sa baunan mo?” tanong ko
“huh? bakit?”
“Masama kasi pakiramdam ni freen papainumin ko sana ng gamot..”
nakita kong bigla syang nag alala at tinanaw si freen.. pagkatapos ibinigay nya sakin ang baunan nya
“thanks.”
umupo ako sa tabi ni freen at hinalungkat ang bag ko para kunin ang gamot
“Upo ka muna ng maayos.”
napakatamlay nya, sinunod nya naman ako
“ah” sabi ko at isinubo sakanya ang gamot.
binuksan ko yung baunan na tubig ni kaddie at ibinigay sakanya
“Nagpaulan ka siguro noh?”
umiling sya at ibinalik sakin ang tubig, binigyan ko sya ng ointment para sa sakit ng ulo pagkatapos
“Sayo nalang toh.”
tiningnan nya tong mabuti at binuksan para mag pahid sa noo, leeg at sa ilong nya para amuyin ito
itinago nya sa bulsa nya yung binigay ko at dumapa ulit sa desk nya, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong hinimas ang ulo nya
hindi naman sya nag react kaya pinagpatuloy ko na, hinahawi ko ang bangs nya at hinilot ang ulo nya
nakapikit na sya at napakunot noo sya bigla, I run my thumb on it at minassage ng pataas kaya nawala ang pagkunot nito
“Just relax..” I whispered hanggang sa nakatulog sya
Comment