Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17

A+ A-

Becca

Nagising ako ng 6am na ng umaga.. sobrang sakit ng buong katawan ko

4am na ng makauwi ako ng bahay, si manong ang sumundo sakin, ang sabi nya galit na galit daw si papa dahil hindi nanaman daw ako nakapag paalam

kung hindi umulan kagabi siguradong ipapasundo ako ni papa kila kaddie at kung nagkataon..malilintikan talaga ako

bumangon nako at bumaba na dahil sa gutom

dapat sa sunod magbabaon nako ng pagkain kung sakaling maulit ulit yung nangyari kagabi..

maulit ulit?

bigla akong napasapo sa ulo ko

fuck

ang aga aga ganun agad nasa isip ko

pagkarating ko ng hapagkainan ay nag lalunch na si kuya at papa

pagkaupo ko napainom agad ng tubig si kuya at pinunasan na ang kanyang bibig gamit ang tissue

“I’m done.” he said and get up

Tahimik paring kumakain si papa at hinayaan lang akong kumuha ng pagkain

“where were you last night?”

“ahmm umulan na po kasi kaya nag sleep over nalang ako sa bahay ng classmate ko.” daretsong paliwanag ko

I tried so hard not to stutter Infront of him

“I called Kaddies mom and she said you’re not there “

tumingin ako sa mga mata nya at ang lamig ng titig nya sakin

omy god

ang lakas ng tibok ng puso ko

“Ahmm si N-Nam po kasi ang bagong partner ko..”

“Nam? yung panganay na anak ni manang alicia.?.”

tumango ako ng mabilis

“Nag sasabi kaba talaga ng totoo sakin Becca patricia.?”

“totoo po papa.. bakit naman po ako mag sisinungaling.”

Lord forgive me for lying

“MANANG.” Tawag ni papa

My soul almost left my body

nakita ko si namang na naglakad ng mabilis papuntang dining

“ano po yun Gov.?”

uminom ako ng orange juice na nasa tabi ko at nag dadasal na sana wag akong mabuko ni papa

“Sainyo ba galing si becca kagabi.?”

napalingon si manang sakin at nag tatanong ang mga mata

katapusan ko na talaga

I take a deep breath and start to eat bahala na

“Ah O-Oo gov. pa-pasensya napo kung hindi po sya nakapag paalam.. dahil wala ring signal samin kagabi?”

halos mag diwang ang puso ko dahil sa sinabi ni manang

thanks god

“Ayoko ng mauulit toh.. naririnig mo ba ako becca?”

napatango nalang ako

____

Maaga akong nakarating sa school dahil umiiwas ako kay papa, tuwing nagkakasalubong kami kahit ano nalang ang pinagtatanong at nahihirapan pakong sumagot dahil labag sa loob ko ang mag sinungaling sakanya

“Goodmorning becca..” bati sa akin ni yohan ng makita nya ko sa hallway

“Goodmorning.”

I yawn

sinasabayan ako nito maglakad sa hallway

“mukhang kulang tulog mo ah.”

“tinapos ko kasi yung infographic kagabi.. dahil ngayon na ipapasa..”

inilagay ko nalang kasi sa frame kanina pagkatapos ko iprint

pero hindi naman ako napuyat dahil dun..

nang marating ko na ang classroom namin eh nag paalam na si yohan, ang gulo sa loob ng classroom namin lalo na yung mga boys sa likod

Freen is looking at me while leaning on her chair, nakikipag kwentuhan pa ata sila nam at tee sakanya

“Becca…”

napalingon ako ng marinig si Nop, tumatakbo sya palapit sakin at may hawak-hawak na pulang rosas at paperbag na blue

“Nop?”

hingal na hingal ito ng huminto sya sa harap ko, rinig na rinig ko ang mga tilian sa loob ng classroom namin

“hoy diba yan yung crush mo? talo kana beh.” sabi ng kaklase ko sa katabi nya

“Hala pre may dumadamoves na sa future wife mo..” sabi naman ng lalaki kong kaklase

parang gusto kong matawa sa narinig kaya napasmile nalang ako dahil gusto ko talagang humagalpak sa tawa

future wife?

“you look so beautiful when you smile..” Nop said “natutuwa kaba sakin? dapat pala araw araw kitang dadalhan ng rosas.”

nawala agad yung ngiti ko ng maalala yung pinag-usapan namin ni freen

I look at him seriously at ang saya saya pa ng mukha nya.. I don’t want to be rude at him

lalo na’t ang daming nakatingin samin, kakausapin ko nalang sya mamaya

kinuha ko na yung bigay nya sa kamay nya para makaalis na sya

“Thank you.”

“you’re always welcome becca..”

sumilip ako sa loob ng classroom at ang madidilim na tingin ni freen ang sumalubong sakin

tumingin ako ulit kay nop.. kung papatigilin ko sya sa panliligaw, sana kahit maging magkaibigan nalang sana kami..ang bait nya sakin eh

“Punta ka sa bahay mamaya dun kana lang rin mag dinner.”

his face enlightened

“talaga ba? yes!!” bigla ako nitong niyakap

“Nop..”

“thank you becca, napasaya mo ko ng sobra..” sabi nito

bumitiw sya sa yakap at nag paalam na dahil male-late na daw sya

“swerte mo naman.” salubong sakin ni kaddie, kararating nya lang

pumasok nako ng classroom at napansin kong wala na si freen sa loob

“where’s freen?”

tanong ko kay kaddie ng makaupo na sa tabi nya

“Lumabas yun kanina dala ang bag nya eh..”

gusto ko sanang lumabas ng room at hanapin sya pero dumating na si ma’am

buong klase hinintay ko sya na bumalik, pero wala sya.. nawalan tuloy ako ng gana sa lahat ng subject

“Oh himala 5 over 15 kalang.” natawa si kaddie sa tabi ko

inignora ko nalang sya at ipinatong ang ulo sa mesa

hays…

saan kaya yun pumunta?

baka naman nasa 4th floor..

pagkatapos ng klase namin at mag la-lunch na, tinakbo ko yung hagdan papuntang 4th floor

“Freen..” tawag ko

“Freen nandito kaba?”

pero bigo ako ng pagkatapos kong icheck lahat ng classroom, eh wala sya

asan kana ba?

para akong zombie na nag lalakad papasok ng canteen at natagpuan ang busangot na mukha ni Irin

“Oh my god becca hindi mo ba alam na mag kakalahating oras nakong naghihintay sayo? gutom nako..”

umupo ako sa tabi nya at inilapag ang gamit sa lamesa

“I wanna go home.” wala sa sarili kong sabi

“huh?bakit may sakit kaba?” tanong nya at chineck ang noo at leeg ko

“Wala naman wala lang ako gana..”

kinuha nya yung paper bag sa ibabaw ng mesa ko at tiningnan ito

“wow chocolates..”

“gusto mo? sayo nalang.”

pinalo ako nito sa braso

“Sinilip ko lang naman ah-“

“hindi.. seryoso ako, bigay kasi yan ni Nop, sayang naman kung itapon ko.”

“What? bigay nya? nanliligaw na sya sayo?”

tumango nalang ako at uminom ng tubig, kinuha nya ulit ang paper bag at inilabas ang chocolates

“you’re smiles makes my world turn upsidedown..” basa nito sa card

she laughed out loud at natawa nalang rin ako

“Hay nako becca, ayaw mo ba sakanya?”

binuksan ko yung lunch box ko at nag umpisang kumain

“Nagagalit kasi si freen eh at-” napatakip ako sa bibig ko at tumingin sakanya ng gulat ang mga mata

bigla itong napa cross arms sa harap ko

I closed my eyes tightly and massage my forehead, ang daldal kasi ng bunganga nato eh

“Becca..”

“Kumain kana lang..”

“Hep hep, no.. anong meron sainyo at bakit sya magagalit?”

“Saka na, ikekwento ko rin sayo, pero hindi muna sa ngayon..”

“Omy god becca patricia..wala kabang tiwala sakin?” she exclaimed

“Irin ikekwento ko rin sayo, at pwede ba wala ako sa mood ngayon..”

“Ang sungit ah sabihin mo na ka-“

“pag hindi ka tumigil hindi na kita dadalhan ng pagkain sa susunod.”

napahinto sya sa pag dadabog
“seryoso kaba?”

tiningnan ko nalang sya ng masama at nagets nya naman agad

“Okay mommy be-behave napo.” sabi nito at nag umpisa naring kumain

haysss sumasakit lalo ulo ko sakanya

saka na, dahil hindi ko alam kung seryoso ba tong meron samin ni freen, kailangan nya pa bang ligawan ako?

sabagay she never said that she likes me as her girlfriend, yes she said that she just want me for her own, but she didn’t say that she loves me, she just want me..

oh jesus! masisiraan ako ng bait

________

“Seryoso kana talaga sa anak ko ah..”

“Oho Gov. seryoso po talaga ako sa anak nyo..pangako ko po sainyo na rerespetuhin ko sya at aalagaan.”

wala akong gana kumain kanina pa, dahil sa pinag uusapan ni nop at papa, maling mali ata na inaya ko pa sya dito..haysss

natapos ang dinner namin mga 8pm na ng gabi, at nasa balkohane na kami ni Nop

“Sorry nga pala kay papa ah-“

“Okay lang becca-“

“Nop hindi.. gusto ko ng itigil mo na ang panliligaw mo.”

kitang kita ko ang takot sa mukha nya, I hold his hand tightly, bakit ang hirap hirap mag reject ng tao?..

“sasagutin mo naba ko?”

umiling ako at kita sa mukha nya ang kabiguan na natamo

“Gusto kong tumigil kana sa panliligaw dahil ayokong umasa ka na sasagutin kita.”

“Bakit may gusto kana bang iba?” may pait sa boses nya

tumango ako

biglang umiba ang expression nya at tiningnan ako ng matalim sa mga mata

“Sino?”

umiling ako

“Mas gwapo ba sya sakin? Mas mayaman ba sya? ano? nililigawan karin ba? bakit hindi alam ng papa mo?”

I looked at him with disbelief in my eyes

“Nop ano ba yang pinagsasabi mo ah? bakit kailangan na may mas higit para lang tanggihan ka..? hindi kita gusto at ayokong umasa ka, pagkakaibigan lang ang gusto ko sayo.”

tumawa ito at tumayo

“sino yang gagong gusto mo becca, kailangan ko syang makilala kung makakabuti ba sya sayo-“

tumayo narin ako at napipikon na sakanya

“bakit? wala kang karapatan na mag desisyon kung makakabuti ba sakin ang taong yun o hindi.”

“Ah ganun? kailangan malaman ng papa mo ang tungkol dito.. isinesekreto ka.. bakit kayo na ba?”

aktong papasok sya ulit sa loob ng hilahin ko sya

“Ano ba nop..”

“Nirerespeto kita becca tapos itatago kalang ng kahit sino? bakit mahirap ba sya? kaya wala syang mukhang ihaharap sa papa mo?”

nagulat ako sa tanong nya

hindi ako makapaniwala sa inaasal nya

“Pake mo ba ah.. wala kana dun kung sino ang gusto ko.”

“may pake ako dahil mahalaga ka sakin, hindi mo kilala ang mga tao dito, pano kung pinag lalaruan kalang nyan ah..”

“UMALIS KANA.” sigaw ko

sinipa nya ang bangko sa tabi ko at nasira yun

“Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino yang gagong yan.”

sabi nito at umalis na, napaupo ako sa bangko at umiyak

He scares me

kung malalaman ni papa ito, siguradong parehas lang sila ng reaksyon kung hindi ko sasabihin kung sino

___

Dalawang araw ng absent si freen, dahil wala rin sya kanina

I’m so frustrated

pupuntahan ko sya bukas sa may falls mag babakasakaling nandun sya, wala rin namang klase bukas dahil sabado

I missed her

halos buong araw sya lang ang nasa isip ko, my god I felt so drain and exhausted

tumagilid ako ng higa at sinubukang patulogin ang sarili

4am pa ng madaling araw ang uwi ko’

biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nya sakin nung nakaraan

Tama

ang sabi nya pa nagbabantay sya sa mga alagang hayop at nagpapakain rin, ibig sabihin nandito sya

bumangon ako at pinatay ang ilaw ng kwarto ko

sana nga nandito kalang

11:45pm na ng gabi siguradong tulog na lahat ng tao sa mansion, dinala ko yung manipis ko na blanket na color purple at ibinalot sa ulo

dahan dahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko at inilock yun gamit ang susi

*Thud

halos takasan ako ng dugo ng malaglag ang cellphone ko sa sahig

oh jeez

tumakbo ako pababa ng hagdan at dumaretso sa kusina

biglang naalimpungatan yung bantay sa pinto ng bahay namin kaya nagdahan dahan nakong lumabas sa likod dahil may pintuan din sa kusina, buti nalang talaga wala toh naka lock

nakalabas ako ng bahay ng hindi nahuhuli

dumaretso ako sa parte ng hacienda kung saan yung mga alagang hayop namin

dito yung sinabi ni freen

binuksan ko yung maliit na pinto sa malaking gate na nakaharang, ang layo nito sa mansion kaya walang makakapansin sakin dito

para tong warehouse na malaki at purong bakal ang dingding nito

inilibot ko ang buong mata ko sa loob at pansing tulog lahat ng kambing, manok at iba pa Hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa gilid kung saan naka upo si freen at nag sisigarilyo

she’s looking at me

relax na relax lang syang nakaupo dun at nag sesway pa ang mga paa

naka boots pa sya at naka white shirt

kung nag linis na sya dito bakit ang puti puti parin ng damit nya? nagpalit ba sya?

“Freen..”

I walk towards her

“Alam ba ng papa mo na nandito ka?”

umiling ako

“Pasaway..”

“Bakit ka absent? mas lalong bababa ang grado mo-“

“Wala akong pake..umuwi kana, baka may makakita pa sayo dito..”

tumayo ito at nag kuha ng isang sakong damo at pumunta sa mga baka

I followed her at medyo natuwa sa ginagawa nya

“wala naman eh, freen galit kaba sakin?”

tiningnan ako nito ng malamig
“Hindi..”

kinakain ng baka yung bigay nyang mga damo at nakakatuwang panoorin yun

“pwede ba, bumalik kana run.”

lumapit pako lalo sa likod nya then I hug her very tight

“Namiss kita.”

bigla akong tinabig nito at muntik nakong matumba pero nasalo nya ako agad at tinulak sa may dingding, kaya napasandig ako dun

“Namiss? pagkatapos mong makasama ang boyfriend mo kanina? mamimiss mo ko?.”

galit na galit ang mga mata nya

“Freen nasasaktan ako.”

ang higpit kasi ng tulak nya sa mga braso ko

“masasaktan ka talaga..hali ka..”

hinila ako nito at halos madapa ako sa mga bato

“Ahh Freen.. anong gagawin mo..?”

itinulak nya ko ulit at nakapasok ako sa maliit na kwarto na may lamesa sa gitna, yellow ang ilaw dito sa loob at sa mga gilid may galong galon na gatas ng baka na nakalinya

nagulat ako ng kumuha si freen ng latigo sa gilid

“Freen? anong gagawin mo?”

ang pula ng mga mata nya at parang hindi sya ang freen na nakausap ko kanina, ang sama ng tingin nya sakin

“hubad..”

umiling ako

bigla akong natakot sakanya

“hubad sabi at tumalikod ka..”

“Ayoko..” nag lakad ako papalapit sa palabas ng kwarto ng hinila nya ko at itinulak ulit papasok

I cried so loud because of fear, napatakip ako sa mukha ko

nananaginip ba ako?

hindi ito si freen…

narinig ko nalang ang pag bagsak ng latigo sa sahig

“becca?”

“don’t hurt me.” I whispered

napaupo ako sa lamesa ng lumapit sya natatakot na baka saktan nya ko

“Shhh I’m sorry..”

she remove my hand and held my face, caressing my cheeks using her thumb

“Shh becca..” tawag nito

ang pupungay ng mga mata nya, she hug me and hide her face in my neck

“I’m sorry..”

I tried to push her but she’s hugging me tight, ilang minuto ang itinagal namin na ganun lang

bigla nya kong binitawan at naglakad papunta sa mga gatas, kumuha sya ng stainless na baso na malaki at nag Sandok ng gatas sa may malaking lutuan

wala naring apoy sa may ilalim nun, tinungga nya yung gatas at pansin ko yung luha nyang dumadaloy sa gilid ng mga mata nya

“umuwi kana..” wika nito

tahimik lang akong nagmamasid sakanya

lumabas sya saglit at bumalik rin agad, lumapit sya sakin at napaka seryoso nya

“Tell your papa..” hirap na banggit nya at mukhang pinipigilan pa ang sarili

“what freen?”

she sniff and trying to stop her tears

umiling sya

“Umuwi kan-“

hinawakan ko yung mukha nya at pilit na tingnan sya ng maigi, Huminga sya ng malalim at kinuha nya yung mga kamay ko at may ibinigay sakin

my eyes widened when I see what she gave to me, it’s a pack of drugs..hindi pwedeng maging asin toh, dahil may mga classmates rin ako sa Singapore na nakuhaan ng ganito

“what? why?”

she hug me

“diko alam kung tama ba toh..” she whispered

“freen please talk to me, why are you taking this?”

kaya ba bigla syang nawala sa sarili kanina?

“sabihin mo sa papa mo..pinipilit nila akong gumamit nito..ayoko…becca please tulungan mo ko..ayoko na..”

hindi sya tumitigil sa pag iyak

Halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko

“Sinong sila?”

“Si Rudolfo at iba pang tao nya.”

gusto kong mag wala pero dahil sa yakap nya kumakalma ang puso ko

“I gave you justice for this.”
I whispered

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 17 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 18