Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20

A+ A-

Becca

“Oy freen..”

katatapos lang namin sumakay ng Monster sheep and freen is a little bit sick because of it

I gave her a bottle of water after she threw up, halos puro tubig lang sinusuka nya..

hindi ba sya kumain bago kami pumunta dito?

I took my mini towel in my bag and wipe her mouth

may lumapit samin na lalaki at mukhang kilala ata si freen

lumaki mata ni freen ng makita ito

“Sa-samuel?”

binitawan agad ni freen ang kamay ko

“Oh Ma’am becca? bakit nandito po kayo sa gantong lugar..”

tanong nito sakin at mukhang nalilito pa, kilala nya ko?

“a-akala ko ba may lakad kayo ng tatay mo ngayon.?” freen ask him

she’s nervous I can sense that…

“Wala eh hindi natuloy.. teka diba may ka date ka ngayon? saan na yung kadate mo?”

“A-ah wala hindi natuloy.”

freen hold his hand and tried to walk away from me

I felt hurt

ikinakahiya nya ba relasyon namin?

“diba anak yun ni gov. ang kasama mo?.”

“Ahh Oo marami kaming mag kaklase na pumunta dito kaklase ko rin sya.”

rinig na rinig ko ang pag uusap nila kahit medyo malayo na sila

iiwan nya ba ako dito?

umupo ako sa may bench dahil parang bigla ako nawalan ng gana at nakaramdam ng pagod

*snif

bakit kasi ganito.?

ang bigat sa pakiramdam

I wipe my tears using my arm

“nakakainis..” padyak ko sa lupa

“Oh.. Napano ka?”

napatingala ako ng makita si freen na may hawak na dalawang chocolate Ice cream sa kamay

sumama ang tingin ko sakanya at inirapan lang sya

“bakit ka umiiyak?” tanong nito at umupo sa tabi ko

umurong ako para hindi kami mag dikit dalawa

“You left me here..”

I can’t stop but to sob

“shh.. hindi naman kita iiwan dito..”

bigla nitong idinikit ang icecream sa labi ko

shit..

aangal na sana ako ng bigla nyang nilapit ang mukha nya at dinampian ako ng halik

“Hmm mas masarap.”

tinulak ko sya at muntik pang mahulog ang ice cream kaya kinuha ko na

I can help but to smile

“Ayan dapat naka ngiti lang, 1st date natin to tapos iiyakan mo lang.”

“hmp ikaw nga tong itinanggi pako eh..”

Nang maisubo ko na yung Icecream.. nagulat pako sa lasa nito..

ang sarap

“dalian mo dahil kakain pa tayo..” sabi nya

tumingin ako sa mukha nya at mukhang sarap na sarap pa sa icecream na kinakain nya

“sino ba yung samuel na yun?” kunot noong tanong ko

lumingon sya sa paligid at mukhang may hinahanap pa

“kapatid ng tauhan ng papa mo.”

sabi nya at dahil dun halos maluwa ko yung malaking sinubo ko na Icecream

“Oh diba? kaya dalian mo na at baka pareho pa tayong malintikan.” tawang sabi nito

tumayo ito at isinuot pati bag ko, dumukot sya sa ice cream nya na pinagtaka ko pero agad ding nag laho yun dahil ipinahid nito sa mukha ko

“OMY God freeennn.” I exclaimed

gagantihan ko sana sya ng tumakbo na sya

ihhsssh kainis

tumayo ako at itinapon ang apa sa basurahan.. pagkatapos ay hinabol na sya

“Wahhh..” sigaw nya ng malapit ko na syang mahawakan sa braso

“Freennn naiinis nako..” dabog ko

dumila lang sya at tumatakbo parin

“Freen isaa.”

huminto ito sa pagtakbo at lumapit sakin..tawang tawa pa sya

“Ang Cute mo.” bulong nito sakin

bigla akong lumayo sakanya dahil tumaas ang balahibo ko sa likod

tiningnan ko sya ng masama pero hinila lang ako nito at naglakad na kami palayo

_

“Wow ang bango naman nito..”

kalalagay lang ng babae ng isang bowl ng batchoy sa harapan ko at napaka bango nito

“akala ko hindi ka kumakain ng ganyan.” paliwanag ni freen habang umiihip ng sabaw

“Kumakain naman pero minsan lang.”

tumango tango ito at nag umpisa ng kumain

“Sa susunod ako naman mag babayad.” sabi ko at napatingin sya sakin

alam ko kasing pinaghihirapan nya yung pera nya at alam kong mas may mga mahalagang bagay pa na pwede nyang igasto yun para sa sarili nya, maski cellphone eh wala sya

umiling sya

“Hindi pwede.. kargo na kita kaya ako lang dapat gumagasto sa date natin.”

seryosong sabi nito na ikinasimangot ko.. nag patuloy lang syang kumain at binalewala yung sinabi ko

mag sasalita pa sana ako ng itinaas nya ang kamay nya at nag sign language pa na magpatuloy nako sa pag kain, itinuro nya narin yung labas at mukhang mag aalas singko na dahil medyo makulimlim na ang langit

oh jeezz

mukhang gagabihin pa ata kami

“Nag enjoy kaba?” tanong nya

umiling ako ng pabiro pero pinagsisihan
ko dahil biglang lumungkot ang mukha nya

“Haha biro lang.. Nag enjoy ako ng sobra..”

huminga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko

“Hmm saan mo gustong pumunta sa sunod?” tanong nito

Seryoso na ang mukha nya at mukhang disappointed parin sa sarili

“Freen..” tumingin sya sa mga mata ko
“Napasaya mo ako ng sobra ngayon.. ito na ata ang pinaka the best na 1st date ko.”

The smile crept in her lips and her cheeks turn red

“And wala rin naman akong alam na lugar na maisip para sa sunod, ikaw lang bahala… mukhang marami kang alam na lugar dito sa Poblacion Malaya eh.”

tumango tango pa sya

kanina sumakay lang kami papunta dito pero ngayong pauwi nag lalakad nalang kami

“may trabaho kaba ngayon?”

“Oo.”

“wala ka nang pahinga, gusto mo bang sabihan ko si papa na bawasan ang oras mo?”

“hindi na nakakatulog rin naman ako dun..mamaya pagagalitan ka nanaman dahil nakikipag kaibigan ka sakin..”

natawa ako

nakikipagkaibigan?

naalala ko yung kalokohang ginawa namin sa 4th floor ng building dun sa school

magkaibigan ba tawag dun?

“bakit.?”

“wala.. ahmm freen, may pamilya kaba? gusto ko silang makilala.”

humigpit ang hawak nya sa kamay ko
“hmm nandun sila oh.”

sinundan ko ng tingin yung pag turo nya sa langit at nagulat ako dun

“Wala na sila…” mahinang sabi nya

Napahinto sya sa paglalakad at tinitigan akong mabuti, parang nagsisi akong tanungin ang tungkol sa pamilya nya

“Mag isa ka nalang?”

tumango sya

habang nakatingin sya sakin parang nangungusap yung mga mata nya.. kaya siguro nag tatrabaho nasya dahil wala ng bumubuhay sakanya

may sakit akong naramdaman sa puso ko

“Bakit ka malungkot? hay naku becca..” lumapit sya sakin at pinisil ang dalawa kong pisngi

“Sorry..”

“No.. it’s okay.”

she hug me so tight and buried her face in my neck

“It’s okay..” mahinang sabi nito

_______

nakarating kami pareho sa hacienda ng madilim na.. dumaretso sya sa rancho dahil pakakainin nya pa daw muna yung ang mga kabayo

pagpasok sa Mansion nakita kong nakaupo na si papa sa sala si richie naman ay nasa malaking couch at nagbabasa

ang lakas ng tambol ng puso ko sa kaba ramdam na ramdam ko yung frustration ni papa

“where have you been?” baritonong tanong nya

“Sa-sa classmate ko po papa.”

kitang kita ko yung pag dilim ng tingin nya sakin

“Pinuntahan ka ni richie kanina Classroom mo pero wala ka..”

“eh Papa-“

“Alam mo ba kung ano ang sabi sa kuya mo? umuwi kana daw dahil masama ang pakiramdam mo.”

“Eh papa..” hindi ko na alam kung ano ang idadahilan dahil sa takot sakanya

“BAKIT KA NAGSISINUNGALING?” nabitawan ni richie ang libro nya dahil sa sigaw ni papa

“Papa calm down..” sabi nito

“Bakit ka ginabi ng uwi at saan ka nanggaling?” matigas na tanong nito

“Sa kaklase ko po..” yumuko ako at nag dadasal na sana matapos na to

Papa step forward in a one swift move, he grip my Collar, Richie trying to stop him but he’s really mad

“Tell me the truth or I will call your mom.” tiimbagang wika nito

bumuhay ang galit sa dibdib ko dahil sa mga sinabi nya

“Yan nalang ba lagi ang gagamitin mong panakot sakin? bakit papa? ano ba gusto mong sabihin ko ah?” galit na tanong ko

tinulak ko sya ng malakas kaya nabitawan nya ako at bumagsak ako sa sahig

tumayo ako agad at tumakbo paakyat ng hagdanan

“BECCA.” sigaw nito

“papa bukas nalang, gabi na at siguradong pagod din yun..” rinig ko na pigil ni kuya sa kanya

___________________

Freen

“Tingnan mo nga naman ang buhay Oo..”

ugh inaantok nako

I sway my arms back and forth and stretching my neck

lumapit sakin yung mga tauhan ni Gov. at inakbayan ako ni june agad, kung hindi lang ako pagod ngayon malamang kakabahan nako… dahil tuwing lumalapit sila eh lagi silang nananakit

“Sinwerte ka ata bata, ang sama ng ginawa mo kay rodulfo ah.. nakita kaba talaga ni Ma’am O nag sumbong ka? akala mo ba masisinagan kapa ng araw pag nakalaya na si Rodulfo?”

tinabig ko si june dahil humigpit ang hawak nito sa braso ko

“bakit ba kayo nandito ah.?” galit na tanong ko

“Para dito..”

bigla akong sinuntok nito sa tyan at napaupo ako sa sahig..

ang gago.. hindi ko inexpect yun ah, ugh
*Cough

“Tayo..” hinila naman ako ng isa at sinundan ng bagong suntok sa tyan

*cough

“Dalhin nyo yan at ikulong napakatarantado.. baka sa sunod tayo naman ang ipakulong nyan..”

nanghina ang buong katawan ko.. ugh ang tagal narin nung huling pananakit nila sakin, hindi ko alam bakit parang hinahanap pa ng katawa ko yung mga sakit na ayokong ginagawa sakin

Nasisiraan naba ako?

“Ipapakulong ko talaga kayo, baka kayo na ang hindi sisinagan ng araw.” tawang sabi ko

they beat me.. I felt my arms is already shaking because of the pain, hinahayaan ko nalang sila dahil pagod na talaga ako

nangmakita ako ni manong dahil sumakay sila sa kotse papuntang kulungan ko labis ang pag aalala ang makikita mo sa mukha nya

10pm palang ng gabi ng makarating kami sa lugar.. hays salamat at makakatulog narin

siguradong mahaba haba ang tulog ko ngayon ah

when they kicked me inside the room I don’t know why I felt relieve than to be scared because it’s too dark and they locked me again

“Wag nyo nalang lagyan ng padlock pano kung maihi sya? atleast makaka punta sya dito kila aling Alicia. ” rinig ko na banggit ni manong

“inuutusan mo ba kami kung anong dapat gawin?”

“Paalala ko lang sainyo, pag yan nag tangka nanamang tumakas dahil sa pananakit nyo.. siguradong malilintikan kayo kay gov.”

“Si Gov. ang may gusto nito.”

“Pero hindi nya iniutos itong ginawa nyo ngayon..”

humaba pa ang alitan nila hanggang sa nakatulog nako, ito talaga yung gusto ko mangyari ngayon..

ay ang matulog

pagbagsak ng mga mata ko ay si becca agad ang nakita ko

“becca.?”

tawag ko

“shhh Sleep tight baby..”

I felt that she kissed my head, nasa kwarto pa kami ng bahay ko dun malapit sa falls

my conscious self knows that I’m dreaming and I’m trying so hard not to wake up so soon

but I failed

she began to disappear slowly and slowly

*sniff

I can see myself that I’m completely alone in the dark cage and crying nonstop

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 20 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 21