Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21

A+ A-

Becca

The rain is too heavy and the breeze from the wind is too frosty.. the coffee that I am drinking is not enough

pumunta ako sa duyan at umupo dun, nandito ako sa balkonahe ng bahay kasama si kuyang nagkakape rin..

Wala kaming pasok ngayon dahil sa lakas ng ulan, hindi pa ako naniniwala kay kuya kanina dahil sa Singapore may pasok parin kahit malakas ang ulan.. pero nung ibinalita sa TV na walang pasok dahil nga sa ulan eh hindi nako nakipag talo

“Saan kaba talaga galing kahapon?”

I open my book The Vampire Diaries and start to read, I ignored his question

“Alam mo bang nakidnap ka noon.?”

I just nodded and kept reading

“Dapat naiintindihan mo kung bakit mahigpit si Papa say-“

“I’m not a kid anymore.” mahinang sagot ko at sinisipa ang poste sa tabi ko para mag sway ang duyan

laging ikinikwento ni mama yun sakin dati na nakidnap ako nung bata pako.. tuwing naglalaro ako sa labas ay nagagalit sya at yun lagi ang inirarason, eh hindi ko nga alam kung totoo ba yun o gawa gawa lang nila para paghigpitan ako

ang naaalala ko lang eh yung pinipilit akong pasakayin ni papa sa kotse nun para sumama kay mama sa Singapore

“Pinoprotektahan kalang namin becca, bakit ba ayaw mong sabihin saan ka nanggaling kahapon?.”

I closed the book and look at him
“sa kaklase ko nga, bakit ba ang kulit nyo.”

“You skipped class yesterday becca, we’re so worried because they said you’re sick at ang sabi sakin si freen ang huli mong kasama… hindi ko sinabi kay papa dahil alam kong lalo lang sya magagalit..”

“we’re friends and she’s a good person.”

nagulat si kuya sa sinabi ko

“Friends? after she bullied you? the fuck becca! are you that dumb?.”

bumilis ang paghinga ko at nakaramdam ng galit

“we’re okay now.. she’s not bullying me anymore.”

“diba pinagsabihan kana ni papa na lumayo ka sa freen na yan-“

“dahil ba trabahante lang sya? bakit ba ganyan kayo ni papa? ang babait nyo sa ibang tao pero sa mga trabahante natin eh ang sasama nyo.”

“magdahan dahan ka sa mga pinagsasabi mo becca, naging kaibigan mo lang si freen halos kalabanin mo na kami ni papa.. bakit anong pinagsasabi nya sayo ah.?”

inagaw nya ang librong hawak ko kaya umalis ako sa duyan

“kuya akin na yan.”

“Halos hindi na kita makausap ng matino at puro pabalang nalang ang mga sagot mo.. ng dahil lang sa freen na yan naging bastos kana.”

“Kaibigan ko si freen at wala syang kinalaman kung bakit ako ganito.. nasasakal nako kuya… bawat galaw ko dapat may rason at paliwanag, nakakapagod..eh ikaw nga halos dina umuwi pero wala naman pake si papa.”

galit na galit sya habang nakatingin sakin, bigla nyang inihagis ang Libro ko sa labas at nahulog yun sa damuhan na bahang baha na sa ulan

“KUYA..”

Sinuntok ko sya sa likod dahil sa ginawa nya, bigla nalang bumuhos yung luha ko dahil sa sama ng loob

tinulak nyako at napahawak ako sa poste

“Ano bayan iho..!” saway ni manang ng makita kaming nag aaway

lumapit si kuya sakin at galit parin yung mga mata nya

“I hate you…” iyak na sabi ko

“Pasalamat ka at hindi kita isusumbong kay papa, layuan mo nayang freen nayan kung ayaw mong magkaproblema pa tayong dalawa ng malala.” tiimbagang sabi nito

nagdadabog pa sya papasok sa sala, lumapit sakin si manang at inakap ako

“shh tahan na..” sabi nito habang hinihimas ang likod ko

“Bakit po ganon manang? parang hindi ko na sila kilala ang pangit po ng ugali nila..”

“shh hayaan mo nalang sila at sundin.”

“bakit po ba ayaw ni papa na makipag usap ako sa mga trabahante?”

bumitiw sya sa yakap sakin at hinaplos ang pisngi ko na puro luha

“hindi naman ah, sino may sabi?”

“Si freen po.. at sabi ni papa layuan ko daw po sya.”

pumikit si manang at huminga ng malalim

“hay nako Oo.. kung bawal bakit nakakausap mo ko?”

napaisip ako bigla, Oo nga.. at wala rin namang sinabi si papa, ang sabi nya lang layuan ko si freen

si freen lang ba ang iiwasan ko?

bakit ayaw nila kay freen?

kung mag pupumilit bako na makipagkaibigan kay freen eh tatanggalin nila ito sa trabaho?

buti sana kung kaibigan lang becca.. wika ng isip ko

napahilot ako ng noo

“bakit iha..?”

umiling lang ako

“Naynay..hmmm..”

nakita kong tumatakbo si Natalia hawak ang keypad na cellphone at umiiyak

sinalubong sya ni Manang at hinila papasok ulit

“Oh napano ka? akin na nga yan..”

sumunod ako sa kusina at inilagay ang baso ko sa lababo, kita kong dumaretso sa may labahan si manang at kumuha ng basket

“oh hello Nam? susubukan kong umuwi saglit..”

“Naynay sasama po ako..”

“hindi na natalia umuulan..”

“Pero si boy po..” iyak nito

napalingon si manang sa kusina at imbis na umalis ako ay kinuha ko ulit yung baso at inumpisahang hugasan

si boy?

bakit napano si freen?

“Pwede ba tumahimik ka muna..” bulong ni manang

I remembered the first time I heard manang, she’s talking to boy that day at hindi ko pa alam na si freen yun.. ang sabi pa ni manang ipapapunta nya panganay nya at padadalhan sya ng gamot

but this time, Nam is the one who’s calling her and Natalia is crying because of boy

masama kutob ko

nang matapos nakong maghugas eh pumunta nako sa labahan at wala na dun si manang at natalia

May nangyari bang masama?

pano ba toh?

tumakbo ako palabas ng kusina a dumaretso paakyat ng hagdan

I dialed Irin

[Oh himala..1st time mo akong tinawagan ah]

[May number kaba ni Tee?]

[huh? bakit?]

[Tatanungin ko sana kung may number si Nam sakanya.]

[Sorry becca pero kakaerase ko lang ng number ni tee, Nag away kami..]

[hindi mo memorize?]

[hindi eh]

hays nafufrustrate nako

*knock ³

“Becca..” I heard richie

“LEAVE ME ALONE.” sigaw ko

“Becca let’s talk..”

“NO! I HATE YOU..”

buti nalang talaga at inilock ko agad ang pinto ko

dumapa ako sa Kama ko at nagtabon ng unan sa ulo

I should buy her a phone

nababaliw nako…

_________

Freen

The white ceiling of the clinic is the first thing that I saw when I woke up in the morning

madaling araw pako nandito at humingi lang ng gamot, buti nalang at nawala na ang sakit ng ulo ko

“You can stay here and rest on the bed whole day.”

lumingon ako kay Ma’am Ana, naging sub nurse sya ng clinic kaya sya nandito

umiling ako at dahang dahan na umupo, lumapit sya sakin at inalalayan pako

“Hindi na po masama pakiramdam ko.” hawak ko sa braso nya

tumango lang sya at binitiwan ako

“Nagugutom kaba?” tanong nito

umiling lang ako

“Ang putla mo kanina.. ano ba nangyari sayo?”

2 days walang pasok dahil sa ulan at nag papasalamat ako dahil dun, ayokong makita ako ni becca ng ganun ang itsura

Tumingin ako kay ma’am ana at hinihintay parin ang sagot ko

“Bago makalabas ng Poblacion iniinspeksyon ang lahat ng sakay ng sasakyan bago makalabas..”

bigla syang sumeryoso at tinitigan akong mabuti

“Tapos?.” litong tanong nya

“Sinisigurado nilang wala ako sa bawat sasakyang dumadaan, ngayon pati sa sakayan ng barko may bantay narin..”

“Freen hindi kita maintindan…”

huminga ako ng malalim

tama ba ito?

mahirap mag tiwala.. pero pagkatapos ng mga nangyari nung nakaraan, nakaisip nanaman akong tumakas.. tuwing binubugbog ako tumatapang ako at naghahanap ng paraan para tumakas

pero iba na ngayon

nakakaisip man akong tumakas, inaalala ko naman si becca.. aminin ko man o hindi, alam kong simula ng bumalik sya sa Poblacion Malaya Naging masaya ako at nakontento

kung aalis ako..

makikita ko pa ba sya ulit? kung sakaling makapag aral ako sa manila at magkaron ng magandang trabaho at babalik na maayos na.. ako parin kaya ang gusto nya? gusto nya ba ko? pano kung magkaboyfriend sya? dito sa school ang dami nyang admirer at kahit papano nabibilhan sya ng regalo.. eh ako? wala akong maibibigay sakanya..

wala narin akong inspirasyon para mamuhay sa manila

noon lagi akong tumatakas at pinipilit na dapat lumaban ako para sa pangarap ko, pero alam ko sa sarili ko nung panahong pinahanap ako ni becca sa kakahuyan.. sumuko nakong makalaya

“Hindi ako pwedeng lumabas ng Poblacion..”

her eyes widened..

“Bihag ako ng Gobernador..”

gulat na gulat sya sa sinabi ko at makikita mo ang bigat ng emosyon nya sa mga mata

“Bihag? so totoo yung sabi sabi? pati ba yung pag tatrabaho mo sakanila na walang bayad ay totoo.”

tumango ako

“ANO? FREEN WALANG KATARUNGAN TOH.”

“Sshh Ma’am Ana.. ito na ba sinasabi ko.” napahawak ako sa noo ko

bigla syang huminahon

“Sorry, nabigla lang ako… freen bakit nila ginagawa toh?.”

“Nung bata pa ako…” I felt nervous while thinking about what happened in the past “May pumatay sa panganay na anak ni Gov. at dahil natagpuan nila na ako ang may hawak ng kutsilyo.. ako ang napagbintangan.”

there’s a tear escape in her left eye

“Hindi ba nila na isip na bata kapa para makagawa ng ganung bagay? wala nabang ibang tao kang kasama nang mangyari yun?”

Becca’s face flash in my mind, the way she cried and point her finger on me and blaming me that I am the one who shot her brother… makes my heart sunk into the deep hole of the ocean

I don’t want everybody to blame her for accusing me that’s why I am here in this position…paying for the sins that I’ve never committed.

I shook my head
“I saw a tall man running away in the woods that night “

“sinabi mo ba sakanila yun?”

“Oo.. hinanap nila yun at dahil hindi rin naman napapatunayan na totoo yung sinasabi ko binihag na nila ako..”

“Hindi ba sila nag tawag ng pulis para imbestigahan pa?”

umiling ako

“Bakit may laban ba ako?.”

at to the think that kids never lie.. mas paniniwalaan nila si becca kung sakali

“Meron freen.. they killed your mother-“

“Oo dahil pinatay ko ang anak nila at ako dapat ang babarilin kaso humarang si nanay.. ang sasabihin lang nun dala ng galit, gaya ng ginawa nila kay tatay.” parang may sumaksak ng milyon milyong kutsilyo sa puso ko

tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan, bakit ganon? parang hayop lang na pinatay ang mga magulang ko

lumapit si ma’am sakin at yinakap ako
“Sariwa parin yung sakit na nararamdaman ko.. parang kahapon lang nangyari lahat..”

“Shh.. wag kang mag alala hahanap ako ng paraan para makalaya ka sa lugar nato ng walang makakapansin.. basta lagi mong ihahanda ang sarili mo.”

tumango ako bilang pagsang-ayon kahit sa loob loob ko ay malabo paring mangyari yun

“Hindi kaba inaalila ng anak ni gov.?”

umiling lang ako

“Mag iingat ka.. dahil maraming mata si Gov. sa paligid.” paalala ko

Nakatulog pako ulit ng mga kalahating oras bago lumabas ng clinic, marami naring estudyante na nag sisidatingan kaya naisipan kong umakyat na at maunang pumasok sa room

makulimlim parin at umaambon ng mahina..bagyo ngang talaga

pagliko ko para umakyat sa unang palapag ay nakasalubong ko si becca

yung una nagulat pa sya at ngayon biglang lumamig ang mga tingin nya sakin

I will miss her

everytime I see her my world enlightened up for a sec. she’s always my good news

lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi ng marahan.. I felt her knuckles caressing my other cheek

“Who made you cry..?” She ask firmly, she’s very serious and it makes her more attractive

“Freen…” nagulat kaming dalawa ng may tumawag sakin at lumayo sa isa’t isa

“Nakalimutan mo sa clinic.” ibinigay nito ang bag ko sakin

“Clinic?” becca looked at me like asking me If I’m okay

“She has a fever earlier but I already take care of her that’s wh-“

“I’m not talking to you.”

my eyes widened and I hold her arm
“becca..” I called her

“Ms. Becca watch your mouth.!”
I was surprised because Ma’am Ana gets mad immediately

“What did you do to her?” pabalang na tanong ni becca

omy god..

“Ms. bec-“

“I know what you up to Ma’am Ana.. Stay away from my girlfriend because she’s only mine.”

Nagulat ako dahil sa sinabi nya at ganun rin si Ma’am Ana.. I can see the disappointment in her eyes before she walked out

becca pulled my arm

“Close your mouth.. let’s go.” she started to walk while pulling me

“where are we going?”

“Lets skip the class..”

“becca hindi pwe-“

“I’m not asking your permission.”

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 21 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 22