Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23

A+ A-

Freen

I felt a cold thing touching my body and I know it’s Becca’s hand

nakaamoy rin ako ng pagkain at bigla nalang rin kumulo yung tyan ko sa gutom..

“Freen wake up..”

I heard becca

I open my eyes slowly and her worried face is the first thing that I saw when I woke up

dahan dahan akong umupo at napansin kong naka short nako at nakabra, tiningnan ko yung mga braso ko, dibdib at tyan

“What is this?”

“Ointment.. para madali gumaling.”

I looked at becca and she’s just watching me.. She take a deep breath and looked up at the ceiling

Nag aalala ako sa mga iniisip nya, she was bothered, I can see that

may pagkain sa may bedside table nya, tama nga ako sa na amoy, sinigang na baboy ang ulam

ang tagal ko ng hindi nakakain ng ganyan ah..

“Freen.”

napalingon ako sakanya at may luha sa gilid ng mga mata nya, she’s trying not to cry Infront of me

“Becca..” I felt worried

“Who’s hurting you freen?”

tumingin sya sakin at hirap na syang huminga dahil sa pag pipigil nya sa pag iyak

ramdam na ramdam ko yung bigat ng pakiramdam nya

“wag mo nalang pansinin.. let’s eat?.”

tumingin ako sa orasan at 1pm na sa hapon, malamang gutom narin sya

tumango sya at umalis sa kama, humihikbi pa sya ng mahina at sinusubukang ayusin yung pagkain

kinuha ko yung long sleeve ko na white shirt sa tabi ko at isinuot yun, umalis rin ako sa kama at nilapitan sya

I snake my arms on her waist and hug her from the back, she’s crying silently

“shh..it’s okay becca.”

I sniff the back of her head and peck on her nape..

“why?” she ask

her shaky voice bothered me, I hug her tight

“Freen I wanna know you better.. but how? you kept hiding things from me.”

“can we eat first?..”

she remove my arms from hugging her at binilisan nya ang pag galaw at inilagay sa maliit na lamesa yung pag kain malapit sa bintana

I approach her
“becca..”

iniharap ko sya sakin at hinaplos yung pisngi nya, ang pula pula narin ng ilong nya

“you’re such a cry baby, stop crying.”

I brush my fingers in her wet hair, mukhang bagong ligo pa sya

she take a deep breath and nod.

umupo na sya sa upuan at nilagyan ako ng kanin sa plato

we ate together silently

sasabihin ko ba sakanya?

“Anong paborito mong lugar dito nung bata kapa?” tanong ko

baka sakaling may maalala sya

“diko alam bakit hindi ko maalala yung pamamalagi ko dito noon..” simpleng sagot nya

“Pati yung pagkidnap sayo noon hindi mo matandaan?”

nagulat ako ng bumagsak yung kutsara nya sa plato nya, gulat na gulat sya habang nakatingin sakin

“Pano mo nalaman ang tungkol dyan? akala ko gawa gawa lang ng mga magulang ko yun.”

bigla akong kinabahan

“Governor papa mo becca nabalitaang may kumidnap sayo noon.”
I tried so hard not to stutter

“Nakita mo na ba ako noon?”

may part sakin na masakit..dahil nakalimutan nya yung nangyari sa nakaraan

“Ahmm sa TV lang.” pagsisinungaling ko

“Familiar sakin ang lugar papunta sa falls, and when we jumped into the water I felt like I already did that before.”

my eyes widened

so nararamdaman nya?

“I’m forcing myself to remember the past.. I want to know why we need to leave this place years ago.”

___________

Becca

“Woyy bakit ganyan yang mukhang yan?”

“Irin please don’t ruin my peace.”

yumuko ako sa table at walang ganang kumain ng pananghalian

“Peace ba yan? kung stress kana sa studies mo umabsent ka muna.. O baka naman dahil kay freen..umamin ka nga becca, may namamagita-“

“She’s my Girlfriend.”

“WHAT?”

Tinakpan ko yung dalawang tenga ko at mas binaon pa sa bag yung mukha ko

inalog alog ako ni Irin

“kailan pa?”

“Irin wag muna ngayon.”

“Nag away ba kayo? alam mo nakakatampo kana, pwede mo naman akong kausapin pag may problema ka, matino rin naman ako kahit minsan.”

nag straight ako ng upo at huminga ng malalim

“Someones hurting freen and she doesn’t want to tell me who..nag away kami dahil sa pangungulit ko.”

I’m so exhausted

ang sabi nya pagkatapos naming kumain sasabihin nya kung sino, pero bigla nalang nagbago ang isip nya

hays

“Wag mo kasing pilitin kung ayaw.. pano mo nasabi na may nananakit sakanya?”

“I saw her bruises when she took off her shir-”

I covered my mouth immediately

Irin crossed her arms and grin at me
“Bakit kasi naghubad pa sa harap mo-hmmp.” tinakpan ko yung bibig nya

“Sinong naghubad?”

parang naghiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ng makitang nasa harap nanamin si Nita at Susane, si Nita yung nag tanong

“ah wala.. yung sa palabas yun na bago.” palusot ko

“Hmm akala ko naman si freen yung naghubad.. I’m drooling over her these days.” susane said

bigla uminit yung dugo ko dahil sa narinig, tumingin ako kay Irin at panay ang tawa nito

umupo sila nita sa harap namin at nag umpisa naring kumain

“May mga nakuha akong Old news paper sa Library kanina, pwedeng ito nalang ang ireport natin sa Wednesday.” susane said while eating

“Good, pwedeng gawin natin yan sa sunday? medyo busy pa schedule ko eh.” tanong ni Nita

“Oo sige bah.”

dahil wala akong ganang kumain eh tiningnan ko nalang yung mga news paper na nakuha ni susane sa Library

mga Old issues ito ng Poblacion Malaya, naalala ko yung sabi ni freen, nabalitaan nya lang na nakidnap ako noon

‘Govern’

kinuha ko agad yung news paper na nagpukaw sa attention ko

pinagpag ko muna yun sa ilalim ng mesa at inopen

Aksidenteng nabaril ng Gobernador ang tauhan nya dahil sa pag tangkang pag Rape nito sakanyang asawa’

Cesar Sarocha ay hindi na umabot sa hospital at binawian na ng buhay

Sarocha?

napatakip ako sa bibig ko at itiniklop agad ang news paper

“hoy anyare at ang putla mo?” tanong ni Irin

susane and nita looked at me like asking me what’s the problem

umiling lang ako

chineck ko pa lahat ng news paper at wala ng ibang balita dun na involve sa pamilya ko

“Sorry Irin pero may pupuntahan ako, susane and nita kayo na bahala sakanya.”

tumawa ang mga ito at ang sama naman ng tingin ni Irin sakin

tumakbo nako palabas ng Canteen at tinungo ang Library sa dulo

kung sakaling ito ang mapili nila, pag chichismisan ako at si freen ng buong school kung nagkataon

pagpasok ko ng Library ay wala ni isang tao kundi yung tagabantay lang, dahil lunch time narin siguro kaya walang tao

dumaretso ako sa may mga news paper sa likod at binasa yun isa isa

“Miss anong hinahanap mo?”

“Ahh Ma’am mga Old news paper po ng poblacion.”

“Ah wala na iha, kinuha na ng babae kanina, itinatapon narin kasi yun kaya kinuha nya ng lahat.”

napahinto ako sa pag babasa ng ibang news paper dun at tumingin sakanya

“Ano po pangalan?”

“Susane po.”

tumango tango ako

napaupo ako sa may upuan at napaisip uli..

kaya mo ba ko binubully dahil si papa ang pumatay sa tatay mo?

tanong ng isip ko

umiling ako ng paulit ulit

bakit sakin ka galit nun?

kaya rin ba ayaw nila papa at kuya sakanya? kung ayaw.. bakit nag tatrabaho parin sya samin? kung ayaw nila kay freen, bakit hindi nalang nila tanggalin sa trabaho?

gulong gulo ang isip ko ng makapasok nako ng classroom, nagulat pako ng nakaupo na si nam sa tabi ni kaddie

Napapikit ako ng makitang katabing bangko lang ni freen ang bakante, nagsabwatan ba ang mga toh?

naglakad ako patungo dun at umupo ng maayos sa tabi nya

tulog sya ng pumasok ako, pero ngayon nagising ata ng maramdaman ang presensya ko

nagulat ako ng ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko

I heard some of the my classmates gasps, itong kumag kasi nato, ang daming admirer halos puro babae, hindi ko rin makalimutan yung kamanyakan na sinabi ni Susane kanina sa Canteen

hayss pati ibang section ba naman

nagtaka kapa beca?
tanong ko sa sarili ko

pati teacher nga eh

“I’m sorry..” freen said

ang hina lang ng boses nya at mukhang antok pa

naramdaman ko nalang ng hinawakan nito ang kamay ko sa ilalim ng mesa

“I’m sorry if I upset you..”

humigpit ang hawak nito sa kamay ko, sana mali itong pumapasok sa isip ko ngayon

si kuya nagawang ipabugbog sya noong nagsumbong ako na binubully nya ko, hindi kaya si Papa ang posibleng nananakit din sakanya?

tauhan din ni papa yung pumilit sakanya na mag take sya ng drugs, at labis din ang galit ni papa sakin nun dahil sa pag sumbong ko sa mga pulis

freen ask for my help that time and everytime I remember that day it makes me mad

si papa ang nakapatay… bakit sila pa ang gumagawa ng masama kay freen, if I was a kid back then, she was also a kid too that time

tatay nya ang nagkamali hindi sya..

“what are you thinking hmm? I’m sorry baby.”

napatingin ako sa gawi ni kaddie at halos patayin na ako nito sa sama ng tingin

I move a little bit to remove freens head in my shoulder

kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni freen ng gawin ko yun

napapikit ako ng ipinatong nya ang kamay naming dalawa sa desk at dun ibinaon ang mukha nya sa palad ko

pag ako talaga nabully ng mga admirer nya, malilintikan sya sakin

“everyone please stand.” biglang sabi ng guro na kakapasok lang

gusto kong tumayo kaso nakahiga na ang ulo ni freen sa buong braso ko

“Kaddie please lead the prayer before we start our lesson.”

kinabahan pako na baka magalit ang guro, kaso naalala ko na hindi nga pala sila strict kay freen

may alam kaya sila bukod sa pagiging trabahante nya sa hacienda?

“I’m sorry, I’m sorry…”

ulit ulit nitong binubulong, I felt bad about it, nasasaktan ako dahil sa lungkot ng mukha nya

I placed my hand in her head and brushed my fingers on her hair slowly

napalingon yung ulo nya sakin at tiningnan ako sa mga mata

the smile crept in her lips

I blushed

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 23 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 24