Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33

A+ A-

Becca

“Ate gusto ko pong mag stay.” reklamo ni natalia kay nam

“Hindi pwede, gusto mo bang malagot ako kay nanay?”

“Edi wag ka munang umalis..” dabog nito

habang nag iimpake ako ng mga gamit namin ni freemo ay sumasakit ang ulo kay nam at natalia dahil sa pagtatalo nila

“Mommy can we stay here?” freemo said

“Isa ka pa, hindi nako natutuwa sayo lalo na yung kakulitan mo kahapon.” sermon ko sakanya

he look down and pouted his lips

huminto ako sa pag iimpake at lumuhod sa harap nya

“Hands up ” sabi ko at sumunod naman sya

hinubad ko yung suot nya para mapaliguan na

kakargahin ko na sana sya ng mapansin ang relong suot nya

Inunlocked ko yun para tanggalin, mag rereklamo pa sana sya ng tiningnan ko sya ng masama

“Ibabalik ko rin..”

tumango sya

“Look mommy freemo.” turo nya

tiningnan ko yung relo at may nakaukit dun, napapikit ako ng mabasa ang pangalan ni freen

“cool right?” proud pang sabi nito

bumilis ang paghinga ko at sumama ang pakiramdam dahil sa galit

“Anong cool? ibabalik natin toh kay freen-“

bigla syang nagdabog at aagawin sana ang relo

“Mommy she gave that to me.” angal nito

“Bibilhan nalang kit-“

“No, that’s my favorite.”

Ipinasok ko yung relo sa bag ko at bigla nalang syang umiyak

“Nooo that’s mine.”

hinila ko na sya papuntang banyo para maligo

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? hindi sayo yun.” I yelled

“Becca.” Nam warned me

“Tita Nam, freen already gave that to me.” sumbong nito

pinasok ko na sya sa banyo dahil kakampihan nanaman toh ni nam

I turned on the faucet in the bathtub at inumpisahan na syang paliguan, panay ang iyak nito na ibalik ko dapat yung relo

“Mommyyy..” tawag nito sabay hampas nito sa tubig

nabasa yung kasusuot ko lang na damit

“FREEMO.” I shouted

biglang bumukas ang pinto ng banyo at hinila ni nam ang braso ko

“You, you need to calm down first.” galit na sabi ni nam sakin

“But Nam he’s being stubborn-“

“Who? freemo? you’re the one who making him cry-“

“You’re not her mother stay out of-“

“Watch your mouth becca patricia.” she exclaimed “You upsetting your son.. because of the watch?, gave it to me.”

hinila ako nito palabas ng banyo

“kung galit ka kay freen, wag mong idamay si freemo.”

nang makita kami ni Natalia ay pumasok na sya sa banyo

kinuha ko yung relo sa bag at ibinigay kay nam

“Narinig mo ba ang anak mo kanina? freen gave this to him and took this away from him might hurt his feelings.”

napaupo ako sa kama at nakonsensya bigla

freemo came out of the bathroom with a blue mini towel on his waist

lumapit sya sakin at kalma na ang aura nya

“Come here..”

I hug him immediately and kiss him on his forehead

“bad freemo?” he asked me at nangungusap yung mga mata nya

umiling ako

“No you’re not, did mommy upset you?”

tumango sya

“I’m wrong mommy?”

“No and I’m the one who’s wrong, sorry for taking away your watch.”

“I thought you will like it because I have name on it, but if you don’t want that, I will gave it back to freen.. I’m sorry mommy.”

“See becca? tsk³ .” singit ni nam

kinuha ko yung relo sa kamay ni nam at tinitigan ito

“This is your favorite right?”

tumango si freemo

“Okay, mommy not going to take that away from you.”

isinuot ko yun ulit sa kamay nya

“I love you mommy..”

“I love you too baby.”

_____________

Freen

“Grandpa..”

“Happy?”

ugh kahapon pa talaga ako inaasar ni Lolo

“Grandpa ano ba talaga plano mo? she came here to negotiate with you..”

ikwenento ko sakanya lahat ng nangyari kaya natagpuan ko ang anak ni becca, sa liit ng mundong ginagalawan namin ay nagkita kita rin kami nila nam

ngayon ako aalis papuntang Poblacion Malaya, medyo natatakot rin ako dahil sa Gobernador

ayoko ng maulit yung mga napagdaanan ko noon kaya siguro ipapasama ni Grandpa ang butler nya dahil rin dun

gusto kong kausapin si manong kung bakit hindi pa sya sumusuko sa mga pulis, siguro ay dahil hindi pa gumagraduate ang bunso nya

kung nagkataon kasi na susuko sya sa pulis ay sasabihin nya sa mga pulis ang tungkol sa pang aabuso ng Gobernador, makukulong rin si Gov. kung sakali

ang sabi ni lolo tutulungan nya daw akong makamit ang hustisyang gusto ko, si manong nalang talaga ang hinihintay namin

“Hindi ko nga inaasahan na anak nya ang maghahanap sakin eh, gusto ko sanang mukha ng Gobernador ang magmamakaawa sakin.”

“Si becca po ang naaapektuhan.”

nandito kami sa labas ng mansion at nag uusap sa likod ng kotse habang si heng ay nag lalagay ng maleta sa likod ng sasakyan

“Wala naman talaga akong balak kunin yung lupa sa ngayon.. hihintayin ko silang makahanap ng matitirahan bago ko kukunin..”

“Kailangan kong makausap si becca… Lolo dapat nag iingat ka, dahil masamang tao si Gov..”

“Alam ko.”

___________

Governor

“Gov. marami na pong nag aalisan na trabahante dahil sa liit ng pagpapasahod nyo.”

“Mas maganda..”

“Pero Gov. marami pong mapapabayaang sakahan at ibang inaalagaan nyo dito sa hacienda.”

kinuha ko yung bote ng alak at ibinato sa dingding sanhi ng pagkabasag nito

“Mga walang utang na loob.”

sa tinatagal tagal ng pamumuno ko sa lugar nato ngayon pa nagkanda letse letse ang lahat

pati ang mansion ay nanganganib na mawala sa akin

Nakita kong napadaan si richie sa may pintuan kaya tinawag ko ito

“Richie?”

bigla itong sumimangot at tiningnan ako ng masama

“Saan ang kapatid mo? ilang araw ko na silang hindi nakikita.”

“Baka lumayas na.”

“Richie kinakausap kita ng maayos.” pikon na bigkas ko

“Bakit papa? wala ka na ngang ibang ginawa kundi isisi lahat kay becca at sakin lahat ng kamalasang nangyayari sayo ngayon, nang dahil lang sa putanginang Mayor na iniwan ka sa ere.”

I rush towards him and hit his face, ang bilis ng paghinga ko dahil sa galit, dahil sa ginawa ko ay napaatras ito

“Tsk.. hindi mo ba napapansin na kinakarma kana? umabuso kayo ng batang babae noon kaya dapat matakot na kayo.. sa lahat ng kasamaang ginawa mo at pagpapahirap kay freen noon, kay becca bumalik lahat nangsakit, sinira mo ang buhay ng sarili mong anak.. wala kang kwentang ama.” sigaw nito

susugurin ko pa sana sya ng pumagitna si manang

“Gov. wag nyong pag bubuhatan ng kamay ang anak nyo.”

nagmadali si manang para mailabas si richie sa opisina ko

halos sirain ko lahat ng gamit sa opisina ko dahil sa pagwawala

“WALANG HIYANG RAMIREZ NA YAN.”

umiwas ang tauhan ko at pumunta sa gilid ng pinto

“Ako pa ang kakarmahin ngayon? pinatay nila ang panganay na anak ko, hindi sana nagkakaganito ang lahat. “

“Hindi ko ibibigay ang lupang ito, magkakamatayan man kami ng ramirez nayan..”

________

Becca

It’s been a week since I last saw freen, ang laki laki ng ipinagbago nya.. mas tumangkad sya ngayon at hindi na morena medyo nagkalaman narin sya ngayon hindi tulad ng dati na ang payat payat

sa dinami daming pwedeng makakita sa anak ko sya pa talaga

hayss becca, kung sa iba napunta anak mo magkakaproblema kalang at hindi mo rin makikita si Mr.Ramirez.. sabi ng utak ko

ipinatong ko yung ulo ko sa desk at napatingin sa labas

ang lakas ng ulan

box type lang tong opisina ko na may restroom, salamin ang wall at pintuan, kitang kita ang malawak na lupain na binili ko para sa ipapatayo kong planta

habang tulalang nakatingin sa labas ay bigla akong may naalala

Ramirez?

so ramirez na sya ngayon?

wait..

biglang kumulo ang dugo ko ng may maalala ako

Ma’am Ana’s surname is Ramirez!!

punyeta…

bakit hindi ko naisip yun?

So totoo nga yung nakita ni kaddie? ano yun sa iisang bahay sila nakatira ng napakaraming taon?

Ano? sila na ba?

sa inis ko kinalat ko yung mga papeles sa desk ko..

Hayop talaga!

Nagpapakasarap ba sya? habang ako nagdurusa?

napahilamos ako sa mukha

gusto kong alisin sa damdamin ko si freen noon at makipag relasyon sa iba para lang makalimutan sya

pero nawala na yun sa isip ko ng nagkaron ako ng anak

simula ng sinabi ni richie na hindi ko naman daw naaalala yung pangyayari sa isip ko na si Nop yung kasama ko ng gabing yun

isipin ko nalang daw na si freen yung ama, natatakot rin kasi sya na madepress ako noon dahil buong pagdadalang tao ko ay stress na stress ako

kung hindi sana ako nagpakalasing nun eh hindi ko sana aakalaing si freen ang kasama ko

pero hindi ko na yun iniisip ngayon dahil napamahal nako kay freemo

putangina talaga

hindi dapat maging ramirez si freen..

dahil sa birth certificate ni freemo ay sya ang ama

‘Freemo Patricio Sarocha’

napabalikwas ako ng marinig ang pagtunog ng Cellphone ko

Tee Calling…

I took a deep breath before I answer

[Hello..] salubong nito

[yes tee?]

[Nakahanap nako ng Engineer para sa planta mo.]

napahinga ako ng maluwag

hays salamat, nahihirapan kasi akong maghanap since walang magaling dito na Engineer dahil halos lahat lumuluwas ng manila or nag aabroad

[Thank you so much Tee..]

[You’re welcome Becca, itetxt ko nalang yung address ng pag me-meetingan nyo]

[okay²]

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 33 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 34