Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41

A+ A-

Becca

I’m looking at the mirror while combing my hair katatapos ko lang maligo, there’s alot of hickeys on my body and I hate freen for doing this marks to me

ugh

gusto kong sabunutan tong sarili ko, dapat hindi namin ginagawa toh.. freen is playing, she don’t even care what her girlfriend would feel once Ma’am Ana findout what freen is doing here

I can see that freen likes me but everytime I think about she has a girlfriend already ang ending naiisip kong bumalik lang sya dito para paghigantian kami dahil sa ginawa namin sakanya

I remember what our convo lastnight, gusto nyang bumalik sa poblacion noon para balikan ako pero akala nya ikinasal nako kaya hindi sya bumalik

Meron na syang girlfriend ngayon eh ano pang dahilan nya bakit bumalik sya ngayon? para ano?

Naalala ko nanaman ang mukha ni Ma’am Ana, nabubwiset talaga ako

hindi ba sya natatakot na bumalik si freen dito? jusko, example palang yung panlalandi ko kay freen kahapon tapos ganito agad ang nangyari

parang may kakaibang aura sa pagitan naming dalawa tuwing magkasama kami parang anytime may mangyayaring kababalaghan

Isinuot ko na yung damit ko kahapon but I zip it up the blazer to cover myself only my legs are exposed

wala na si freen dito sa kwarto at malamang nasa baba narin sya

after I fix myself ay lumabas nako ng kwarto para hanapin sila freemo

“Natalia!, Freemo!” I called them

I walk down the stairs and I saw them roaming around at the living room while heng wearing a monster mask

“Mommyy hellpp! hahaha.” freemo yelled.

natawa ako sa tawa nito dahil sa sobrang cute, panay rin ang tawa ni natalia habang tumatakbo

first time kong makita si freemo at natalia na ganito kasayang maglaro

I roam my eyes everywhere to know where’s freen kailangan narin naming umuwi

“Are you looking for daddy mommy?.”

tumango ako kay freemo at pinunasan ang pawis nya sa mukha, inilagay ko rin sa likod nya ang mini towel pagkatapos

“hmmm where is she?”

“kitchen mommy ordering food to the phone.” simpleng sagot nito.

tumango ako at tinungo na yung kitchen, pero pag pasok ko wala sya

kumuha nalang ako ng tubig sa ref.

“Don’t worry Ana, you’re stressing yourself.”

rinig ko na kausap ni freen sa may labas ng glass sliding door papuntang garden, naka bukas ito at hindi na inabalang isara ulit kaya rinig na rinig ko ang boses nya

isinarado ko yung pinto ng ref at lumingon sa labas

freen was standing there and talking to someone in her phone

“No, you don’t need to come here.”

she’s whining and I hate how comfortable she was while talking to her

Ano pa bang ginagawa namin dito?

Nagpapakatanga nanaman ako..

“I Love you okay..” she said frustratingly

Okay

this is my last straw

Nag marcha nako papasok ng sala at kinuha ang bag ko at ni freemo sa couch

_____________

Freen

[Freen nag aalala nako ng sobra kailangan mong magpa check up]

[don’t worry ana, you’re stressing your self.]

[Nahimatay ka, dapat mo talagang magpatingin kung bakit nangyari yun, you know what? you don’t care about us, wala ba kaming halaga ni Lolo sayo?]

[No, I love you okay..]

napahilamos ako sa mukha dahil ayoko talaga munang umuwi, meron pa namang next week

[and I love grandpa too.. you guys are important to me]

[Pagkauwi mo nextweek siguradong sesermunan ka ng doctor mo dahil binalewala mo lang yang nangyari sayo.] sabi nito.

“Nooooo!.”

napatalon ako ng marinig ang boses ni freemo na umiiyak

“Daddyyy!”

[Oh Ana I need to hang up]

Naglakad nako papasok ng kusina at dumaretso sa sala

and I saw becca pulling freemo’s hand while he’s sitting on the floor

tumingin ako kay natalia at karga sya ni heng habang pinapanood sila becca

“No, I don’t wanna go home.” matigas na sabi nito

“Freemo listen to mommy.” pagalit na sabi ni becca

“what’s happening here?”

Nagulat sila ng mag salita ako, freemo wiggle his hand forcedly to let go beccas hand, he get up and run towards me

“Daddyyy! hmmm” iyak nito

I extend my arms so I can embrace him, kinarga ko sya agad at niyakap ako ng mahigpit

“Ate becca wants to go home already.” Natalia said.

“why in a hurry?” I looked at becca at ang sama ng tingin nya sakin

“I just wanted to go home at marami pa akong gagawin sa opisina.”

“hindi ba pwedeng mag lunch muna tayo bago kayo umalis?”

umiling si becca at lumapit sakin

“Come here freemo, you’re being bad to momm-“

“what? you’re the one who’s saying that?” I confronted her

freemo always saying hes a bad freemo

“what do you mean?” she asked and look confused

I’m very disappointed

“You’re calling freemo a bad kid?”

“No! what I mean is-“

“Heng ready the car.” Utos ko at naglakad na palayo kay becca habang karga si freemo

“Freen.” tawag nito at sumunod sakin

“You should stop calling him bad.. he always saying to me that he’s a bad freemo.”

“I didn’t mean to made him think that way.” she said

Nakita kong isinakay na ni heng si natalia sa kotse ni becca at pagkatapos pumunta na sa sasakyan namin para ihanda ito

“Go, freemo is with me.”

nang huminto ako para hintayin si heng ay hinarap ako ni becca

“No, you stay here.” sabi nito at sinubukang kunin si freemo

“Mommyy nooo, I don’t wanna go home.” iyak nito

“I’m going to talk to him in the car, stop forcing him.” galit na sabi ko

“Daddy I don’t wanna see Lolo please I want to be with you.”

“Saan kayo uuwi?” tanong ko kay becca na mukhang exhausted

“we’re not going to the mansion but to Irin’s house.”

humarap si freemo sakanya
“Can I stay here with daddy?”

umiling si becca dahilan kung bakit inakap ako nito ulit at umiyak

“Engineer.” tawag ni heng

iniwan namin si becca at sumakay ng sasakyan kaya wala na itong nagawa at naglakad nalang papuntang sasakyan nya

unang umalis sila becca at saka sumunod si heng

“Freemo..” I called him

“Sorry.” sabi lang nito

“Freemo you should always listen to mommy.”

“But I really don’t wanna go anywhere away from you..” sabi nito habang naka puppy eyes pa sakin

Napatingin ako kay heng ng tumawa ito ng mahina

I glared at him

“Hmm I’m gonna visit you often, and you can visit me too.” suggest ko

“why we can’t live together? you don’t love each other?”

pinisil ko yung pisngi nya at ginulo ang buhok

“I love your mom freemo.”

__________

“She needs to go on chemo 3 times a week start from now, everything is dropping down and this is not going be good.”

The doctor said while we’re here at the hospital, na-confined kasi ako ng three days dahil hindi na bumababa ang lagnat ko

nung araw na umuwi si becca napagpasyahan ko nalang munang umuwi

“How are you feeling iha?” lolo asked me while caressing my head

“I feel normal Grandpa, wala namang masakit sakin trangkaso lang siguro.”

“Eh pano ba naman kas-” sermon ni ana

“Shh Ana calm down, simula ng umuwi yan puro sermon mo nalang ang naririnig nya.”

*Ting

✓ received a message : Becca❤️

I wanted to see the blueprint

parang lumukso ang puso ko ng mabasa ko ang message ni becca, buti nalang talaga ako ang naging Engineer nya, may dahilan ako para makita sya lagi

Sending a message…

Yes tomorrow I’m in manila right now

Message sent ✓

I waited for her reply

pero hindi na sya nag reply


Maaga akong nagising ngayon para hindi ako gabihin sa daan

Lolo said I should hire a private nurse and nutritionists while I’m in poblacion but I didn’t want to.. malakas pa naman ako at alam ko narin naman ang mga dapat at hindi dapat kakainin

Nahihiya nako kila Lolo simula pa nang una ako na yung pinoproblema nila, naalala ko tuloy yung sitwasyon namin dati nung nagkasakit si ate, wala man lang kaming alam kung ano ang mga dapat gawin para gumaling sya dahil wala kaming pera, yung pag aalala namin nila nanay at tatay ay sobra sobra at nakakastress isipin, ayokong mangyari yun kila Lolo o kung sino man

Tama na yung pag che-chemo sakin ayoko ng dumagdag pa dahil alam kong may mga sariling problema din sila

Ayoko masyadong paspecial

Nag paalam nako kila lolo na uuwi ako ngayon at buti nalang hindi nako sinermunan ni Ana, halos hindi nya nako nilubayan nung pag uwi ko, tawang tawa pa sya ng ikwenento ko sakanyang may anak nako

Ang sabi nya dapat gawin ko daw motivation ko yung anak ko na magpakabait at mas alagaan pa ang sarili para sa bata

proud na proud pa sya sakin ng sabihin kong sinabi ko kay becca na may girlfriend ako at sya ang inaakalang girlfriend ko, gusto nya daw makita ang reaction nito

kung nagseselos si becca, may chance na mahal parin ako nito..

nakakatuwa nga yung attitude nya pag nagseselos

I saw her before she came in at the kitchen that day sinadya ko talagang laksan pa ang boses ko at mag I love you kay Ana at hinintay syang makaalis bago ako nagpatuloy

then kahapon hindi na nag reply ng sabihin kong nasa manila ako

“Why are you smiling?” ngisi ni heng habang nag dadrive “Excited?”

tss.

epal

“Just drive.”

“yes daddy freen.”

*Slap

“Yuck heng.”

“Ouch sakit nun ah.”

nagtawanan kaming dalawa sa kotse, mahigit tatlo’t kalahating oras na kami sa daan at malapit narin kami sa daanan papuntang poblacion

excited nako makita ang baby ko, ang sarap kaya nun asarin

*BEEPPP

Halos humiwalay yung kaluluwa ko ng biglang napapreno si heng ng malakas

nang tumingin ako sa labas ay may isang lumang puting kotse ang nakaharang

wait…

biglang sumikip ang dibdib ko ng maalala ang sasakyan na humarang samin

sa mga tauhan ni Governor toh..

“Heng atras.” paos na sabi ko

putlang putla si heng ng may limang lalaking lumabas dun at may hawak na baril

tama nga ako

kilalang kilala ko sila

tumingin ako sa likod at may kotse rin dun kaya siguro hindi rin makaatras si heng

*thud

biglang pukpok nito sa bintana ng kotse

“Heng wag na wag kang bababa call grandpa.”

“I have a gun.”

“No, don’t trigger them..kilala ko sila.”

“Governors men?”

tumango ako

*Thud

napatalon ako ng hinampas nito ang bintana ng malakas at tinutukan kami ng baril

“BABA.” basa ko sa bigbig ng taong pumapalo sa bintana

[Hehello sir..]

rinig ko ang kaba ni heng sa boses nya

[we were ambushed-]

*Bogsh

“Aaahhh.” napasigaw ako ng barilin nito ang bintana sa kabila at nabasag ang salamin nito

“BABA SABI.”

Biglang binuksan yung pinto ng kotse sa tabi ko at hinila ako ng isang matandang lalaki

“Wag nyo syang sasaktan.” sigaw ni heng

halos kaladkarin ako ng lalaki habang hinihila papunta sakanila

“Long time no see bata.”

tumaas ang balahibo ko ng marinig ang boses na yun

“R-rodulfo?”

“Taas ang kamay!” sigaw ng isa pang tauhan ni gov.

katabi ko na ngayon si heng at natatakot akong baka barilin sya dahil sigurado akong ako lang ang kailangan nila

we’re both raising our hands
________

Author,

Hi babies, nabusy lang sa exam kaya hindi nakapag update, don’t worry babawi ako

love yah😘❣️

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 41 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 42