I wake up at 5am in the morning feeling so sick my head is throbbing and I should need to take pain reliever
I looked at freemo and becca and they are sleeping peacefully, I slowly remove freemos hand on my tummy and change myself with a pillow
ugh
it’s getting worse
when I finally get up I pulled the blanket to cover them up and after that I tip toe walking out of the room
I go downstairs to go in the kitchen to get a glass of water then after I drink the med. ay hindi nako umakyat at pumunta nalang ng Sala para sa sofa matulog
hindi ko na kaya umakyat dahil medyo nahihilo rin ako
~
“Baby…”
“why she’s sleeping here? nag away ba kayo?”
“Wala naman..”
I felt Becca’s hand caressing my head and kissing my cheeks, gusto kong iopen yung mga mata ko pero sobrang bigat nang talukap ng mga mata ko at gusto pang matulog
“Can you call a doctor? She’s having a fever.” becca said
“No it’s okay, I think she already took med. that’s why she’s here..”
inopen ko na yung mga mata ko kahit na inaantok parin ako, ayokong nag aalala si becca
“baby are you alright?”
Tumango lang ako at dahan dahang umupo
“Daddy!” rinig ko na sigaw ni freemo galing hagdan
“Hep hep freemo becareful daddy is sick.”
saway nya kay freemo ng lumapit sakin ito at niyakap ako kaagad, umalis si heng at dumaretso sa kusina
“Huh? why mom?” alalang tanong nito
“just a mild fever freemo, gutom kana ba?”
freemo look at me seriously and just stay silent
“Stay here, dito ka nalang kumain kukuha ako ng food.” sabi ni becca ng tumayo na sya
“No mom, I will ask for help to kuya heng, let’s eat here.” sabi nito
He get up and kiss my cheek before he runaway
wala ng nagawa si becca at umupo nalang sa tabi ko, sumandig ako sa dulo ng sofa at tinitigan si becca na nakatitig lang sakin
“why you didn’t wake me?” she asked while frowning
“I’m not a kid anymore.”
“Oh god.” napasapo sya sa noo nya “You woke up feeling so bad and go downstairs alone.. bat ka natulog dito?”
I pout my lips and look down
“Nahilo ako kaya hindi nako nakaakyat.”
bigla syang tumayo at humarap sakin
“Next time gisingin mo ko, paano kung nahilo ka sa hagdan pag baba mo?.”
“Yes boss hindi na po mauulit.”
I tap my side so she can sit beside me
“dapat lang.”
tumabi sya sakin at ipinatong rin ang paa sa sofa at tumagilid paharap sakin, she snake her arms in my waist and hug me tight resting her head in my chest
“Ugh.. I really love to do this.” she whispered
I hug her back and rest my head on the arm rest, can I stay like this forever?
being with her
makes me feel contended and happy
“I love you..” I said while caressing her cheek using my thumb
mas lalo pang humigpit ang yakap nya at ipinatong pa ang paa sa binti ko
“Nag aalala ako..”
“Shh don’t be”
“Pagaling ka baby..” sabi nito
“becca..” I called her
tumingala sya at tumingin sakin
“I want you to ready yourself-“
“shh shh stop talking nonsense” pagalit na sabi nya
“if I died please tell the truth to freemo para hindi sya masyadong masaktan.”
“how dare you.” napabitaw sya ng yakap sakin
“beca, chemo is not working Ana knows that too but she kept pushing me to go on chemo-“
she took a deep breath
“Dahil gusto ka naming gumaling, bakit ang selfish mo.” her voice broke
aalis na sana sya ng niyakap ko sya
“Gusto ko rin namang gumaling, gusto ko lang kayong ihanda what if-“
“Who’s gonna love me like you do?”
fuck now she’s crying
“shh don’t cry freemo might see you and-“
“Nawala kana sakin noon at halos mawala ako sa sarili ko, kung mawawala ka ulit ngayon? hindi ko kakayanin freen.”
“Becca, I need you to be strong for freemo.” Seryosong sabi ko sakanya
“I can’t freen, I really can’t.”
“Look becca, It’s not about us anymore.”
“Bakit pag sinabi ko ba kay freemo ang totoo, hindi ba sya masasaktan pag namatay ka dahil sa sakit mo?”
“Bec-“
“Ikaw ang ama ng anak ko freen wala ng iba naiintindihan mo ba ako?”
“NOOO DON’T TOUCH ME.”
napabalikwas kami ng marinig ang sigaw ni freemo
becca wipe her tears and get up
Nakita kong galing sa labas si Natalia at tumakbo papasok sa loob
“Boyy may mga tao pong pumapasok sa gate.”
umalis si becca at lumabas narin
I tried to stand but I suddenly feel dizzy
“Boy okay kalang ba?”
I nodded.
niyakap ako ni natalia at tumitingin sa may pinto
“Haha wag kang matakot kilala ko ang bisita natin.”
unang pumasok si becca at karga karga na si freemo na umiiyak
“what happened?” alalang tanong ko
but becca just stared at me with her cold eyes at dumaretso lang ng lakad paakyat sa hagdanan
“Boy, Freemo was so scared because the lady want to carry him.” Natalia said
oh thats Ana
ng makita ko syang pumasok ng pinto ay tawang tawa ito, nasa likod nya narin yung doctor at yung mga assistant nito ay dumaretso papasok ng bahay
“Ana sa empty room sa right side.” sabi ko
kwarto kasi ni heng yung sa left side, Ana guide them and open the door for them
“Boy bakit po may doctor?”
“Natalia gusto mo na bang kumain? puntahan mo si kuya heng sa kusina at sabihin mo na sa taas na dadalhin ang pagkain dahil siguradong gutom narin sila freemo dun nalang kayo kumain.”
“Okay po..”
~
“kumain kana ba?”
“wala pa..”
“Good let’s start.”
Ana said
she tapped my head and kiss my forehead at pagkatapos lumabas na ng kwarto
“you have a high fever last night right?”
“yes doc.”
“right now?”
“nahihilo nalang po ng konti.”
tumango tango sya at nilagyan ng unan ang likod ko bago ako pinasandig dun
“Hindi naman bumaba ang timbang mo, which is good for you”
I smiled
Inspired ang alaga mo doc. biglang sabi ng utak ko
I chuckled
doc unbuttoning my night shirt when becca enter the room, she roamed her eyes everywhere at mukhang namangha pa, sinong mag aakala na magiging hospital tong kwartong toh
“Ready kana ba? or you want more minutes to relax?” the doctor asked
“hmm more minutes.” I chuckled
“Okay.”
Lumapit sakin si becca at umupo muna si doc. sa dulo at may isinusulat
“Are you mad at me?” I asked her
she frowned
“No I’m not.”
I hold her hand and kissed it
“I spend an hour here, you can treat the kids, freemo is not fan of Ana-“
“Me too.” she rolled her eyes
“Nagseselos kapa rin ba-“
“Hindi ba halata?” malditang sagot nya
“I love you..”
she pouted and look away
“I love you more.” she said and look at me “Can I stay here, sasamahan kita”
“Hmm you’re not afraid of blood?”
umiling sya
“we can watch movie while waiting.” suggest ko
“Hmm that’s a bright idea” she said and leaned and kiss my lips “Simula ngayon sasamahan kita bawat chemo mo okay?”
I scan her beautiful face and she’s now smiling, ramdam ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko habang tinititigan sya
“You’re so beautiful..”
~
“Okay relax lang okay.”
the doctor said while putting an IV in my chest, becca is holding my hand while watching the doctor properly
“Uhh.” napadaing ako ng naipasok nya na yung needle bakit parang masakit ngayon?
“Shh relax freen.” sabi ni doc.
becca holding my hand tight and caressing my head
“Oh ayan na.”
Nakita kong dumaloy na yung dugo sa blood transfusion kaya nakahinga ako ng maluwag
“I’m so proud of you.” becca whispered while caressing my hair
_______
“Daddy we’re going to Lolo?”
“Yes baby.”
“Dad!”
Tumingin ako sa likod habang nag eedit sa laptop ng mga idadagdag ko pa sa blueprint, konti nalang rin kasi ang kulang at matatapos na
nagdabog toh bigla at natawa naman si heng at becca
“Why?” I ask freemo
“I’m not baby anymore.”
“not baby? you still four.” sabat naman ni natalia
“Mommy oh.” sumbong nito
“guys wag ng aasarin nag bibinata na si freemo.” tawang sabi ni becca
ang laki ng ipinagbago ni freemo simula ng malaman nyang may sakit ako, ayaw nya ng ibinibaby at gustong gusto na tinatawag na big boy
tuwing nag che-chemo ako ay number one sya na nag aasikaso sakin at tumutulong kay becca
halos mag iisang buwan na ang paulit ulit na routine namin sa bahay, tuwing nawawalan ako ng pag asa ay si becca naman ang tig cheer sakin
habang nagtatalo kami kanina dahil sa inis na inis na sya tuwing naririnig nya sakin ang pagka negatibo ko ay Tumawag ang police station kay becca
tinawagan sya para kumbinsihin na tuparin ang huling hiling ng ama nito na makita sila bago sya ilipat
we’re going to the police station right now, nakapag decide na sya na bisitahin ang ama sa prisinto dahil ang sabi paulit ulit daw nitong inererequest na makita si becca at freemo
hindi dapat ako sasama kaso si becca mapilit
gusto nya daw makitang humingi ng tawad ang ama nya sakin
magkaibang prisinto ang pinaglalagyan ni Gov. at manong, ayoko man nung ginawa ni becca na pinakulong si manong, hinayaan ko nalang rin sya dahil ang laging sinasabi ni becca, panahon na para pagbayaran nya mga kasalanan nya
Grandpa help Manong, kinuha ni grandpa ang mga anak nito at binigyan ng magandang trabaho sa Manila, kaya napanatag na si manong habang nakakulong
sila Rodulfo naman ay sa Manila nakakulong kasama ng iba pang tao ni governor, lagi lang daw napapasali sa gulo ang mga ito kaya laging sakit sa katawan ang natatamo
hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman na awa sakanila
mas lumuluwag pa ang pakiramdam ko, gusto kong maranasan nila kung pano ang makulong at masaktan
“We’re here ” heng said at pinarking na ang sasakyan
pagkatapos ng ilang taon, ngayon ko palang makikita si gov. simula kasi ng bumalik ako ng poblacion ay iniwasan ko talagang mag cross ang landas namin dalawa
“Thank you for letting richie to still stay in the mansion.” bulong ni becca
“Hay naku becca, pwede namana kayong bumalik dun anytime, alam kong mahalaga sayo yung bahay na yun kaya wala akong balak na kunin yun.”
“richie, he’s willing to pay-“
“shh ayoko ng pinag uusapan toh.”
Ayoko talaga bilhin yun ni richie, dahil nailipat ko na yun sa pangalan ni freemo
I want to secure them first, kahit na may pera naman si becca ay kakailanganin nya yun sa pag papatayo ng planta, at kung bibilhin nila yung Hacienda ay malaking pera ang mawawala sakanila, sabi kasi ni lolo kung hahayaan ko silang bilhin yun ay si lolo ang magpaprice pero nung sinabi ko na ililipat ko sa pangalan ni freemo ay hindi naman sya tumutol at natuwa pa
Hawak hawak ko yung kamay ni natalia at karga naman ni becca si freemo habang naglalakad kami papasok ng police station, ililipat na kasi si gov. sa City Jail
sa ngayon ay si richie na ang sumalo sa trabaho ng tatay nya at maraming may gusto na sya ang tumakbo na maging Gobernador sa sunod na eleksyon
“Lolo!”
Masayang sigaw ni freemo
My gaze turn towards him
the man who made my life miserable
Kitang kita ko ang gulat sa mga mata nya habang nakatingin sakin
Parang hinahampas ng malalaking tubo ang dibdib ko habang nakatingin Sakanya
bumabalik lahat ng masasamang ginawa nya sakin noon
ayokong umiyak
lalong lalo na sa harapan nya…
“Freen..” bigkas nito
Comment