Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51

A+ A-

Becca

“Daddy I’m scared.”

“don’t be..”

Nakasakay si freemo at freen sa itim na kabayo habang partner naman kami ni natalia, hindi gaya ni freemo si natalia ay tuwang tuwa at tumatawa pa tuwing umuungol yung kabayo

“WOHHH.” sigaw ni heng sa malayo

hindi ko alam kung bakit among amo sakanya yung supladong kabayo namin nagpapatakbo pa sya ng mabilis

“Ate becca ang saya po palang sumakay ng kabayo.” wika nito.

I tapped her head and smiled at her

“Momm! Look.”

napatingin ako kila friend at tumatakbo na yung kabayo palabas ng hacienda

“Hyaaa.”

hinampas ko yung kabayo at sinundan na sila

“Woah haha.” Natalia laughed

gusto ko sanang ipakita kay natalia at freemo ang secret place ni freen kaso ayaw nito

Ng sa may kalsada na kami ang mahina na naming pinapatakbo ang kabayo at dinadama ang simoy ng hangin

nakakarelax lalo na pag tumatama ang hangin sa mga puno at yung huni ng mga ibon ay sumasabay sa napakakalma na tanawin

simula ng bumalik ako sa poblacion malaya nung highschool ako, ngayon palang ako napayapa ng ganito

peace of mind while bonding time with my small family, with freen, freemo and natalia

sana laging ganito..

mas lalo pa akong naiinlove sa lugar

Nagdadalawang isip na nga ako kung itutuloy ko pa ba yung planta, dahil gusto kong mag focus muna kila freemo at freen siguro tama na muna yung nag eexport lang kami sa ibang manufacturer

kung uumpisahan ko kasi ang pagpapatayo ng planta mababawasan ang time ko sakanila, lalo na’t may sakit si freen

siguro pag okay na si freen saka ko pag iisipan kung itutuloy ko paba yun

pagkatapos naming mangabayo ay namili muna kami sa bayan ng miryenda bago umuwi

gusto ko pa sanang mag stay sa mansion kaso chemo ni freen bukas, ayoko namang sya lang mag isa sa bahay

hindi na natuloy si manang magtrabaho sa bahay ni freen dahil walang maiiwan kay richie at para mapanatili ring malinis ang mansion
__

“Sasama ba kayo bukas pauwi?”

I felt freens arm on my waist and she hugged me, maagang natulog ang mga bata dahil sa pagod 6pm palang ata ng gabi

we’re here at the balcony drinking green tea with freen

“Yes.. you’re not going home alone.”

Inakap ako nito ng mahigpit at inaamoy ang buhok ko sa likod

“I love you..” she said

“I love you more baby..”

inubos ko yung tea at humarap sakanya
“okay ba baby ko ngayon? have no headache or something?”

hinaplos ko yung pisngi nya at napapikit sya at sinusundan pa ang haplos ko

“Nothing babe, you know what? ang saya saya ko ngayong araw.”

“me too..” I said and pulled her neck to kiss her forehead

“Ayokong nakikita kayong nasestress lagi sa bahay dahil sa sakit ko.. pwede namang iwan ko muna kayo dito, nandun naman si Ana at ang doctor bukas.”

“freen hindi ako natutuwa.”

“Becc-“

“Masaya kami ni freemo tuwing nakakatulong kami sa pag galing mo, at hindi mo na kailangang tawagin pa yung kabit mo.”

hinampas ko sya sa braso and rolled my eyes on her

she chuckled and pinch my nose

“Hmm.. huwag ka ngang mag bibitaw ng ganyang salita, baka pag narinig ka ni freemo eh seseryosohin ka nun.”

“Umuwi na kasi yun tapos pinabalik mo pa, iiyak nanaman yung anak mo bukas.”

I frowned

“Manang mana sayo anak natin..” she said while laughing and kiss my nose

she leaned closer and whisper in my ear “Let’s sleep, you’re going to feed me until I fall asleep.”

My fur rose and pushed her

“Hindi pwede.”

bumitaw ako sakanya at nag marcha paalis

“Hey becca, you promised.”

“Promise? wala akong maalala.”

“becca.” rinig ko na dabog nito.

napailing nalang ako, porket alam nyang hindi ko pinatulog si freemo sa kwarto ko lalandiin nanaman ako

“Becca.” tawag nya ulit

“behave sarocha.”

pumasok nako sa kwarto at sumunod naman sya agad

dumaretso ako sa closet para magpalit ng pangtulog at sya naman dumaretso sa banyo

Nang matapos akong mag bihis ay pumwesto nako sa kama at hinintay sya bago matulog

bumibigat na yung talukap ng mata ko sa tagal ng pag babanyo nya

*Yawn

I was about to sleep when she come out of the bathroom, nakapalit na sya ng damit

sa banyo sya nag bihis?

Ngayon pa sya mahihiya sakin?

tsk³

tahimik syang naglakad papuntang bed at pinatay ang lamp sa tabi ko

ang tamlay nyang tingnan

“Sleepy?” I asked her

Tumango sya at humiga na sa tabi ko, akala ko yayakapin nya ko pero humarap lang sya sakin at tinitigan ako sa mukha

“what? are you okay?” tanong ko

“Lolo called me..” she said and took the pillow beside her and hug it tight

ayaw nya ba akong yakapin?

nagtatampo ba toh?

“Why?”

“His angent already found Nop.”

my eyes widened

“Really?” gulat na tanong ko

“yeah, and lolo said naka kulong na daw sya sa Manila..”

Hindi ko alam kung matutuwa ako, dahil ang lungkot ng mukha nya

“If hindi kaba nya napagsamantalahan noon? matutuloy ba ang kasal nyo?” Malungkot na tanong nya

Napaisip ako bigla

“Ang plano ko noon ay tumakas sa kasal namin at aalis ng poblacion.”

“Pano kung natuloy kasal nyo at hindi ka nakatakas? satingin mo ba magkakaron ng chance na maging kayo?”

Napaupo ako at biglang sumakit ang ulo

“Pwede ba freen.. ayoko ng pinag uusapan yang gagong yan.”

“Alam nating dalawa na paglaki ni freemo ay mag tatanong sya kung sino ba talaga ang ama nya, pano kung hanapin nya?”

“Putangina.” napa mura ako, ayoko ng isipin tapos lumalabas pa sa bibig nya “Freen ikaw ang ama ni freemo wala ng iba.” matigas na bigkas ko

umupo sya at sumandig sa bed rest

“Becca babae ako satingin mo ba hindi tayo kokonprontahin ni freemo pag nagkaisip na sya?”

“Alam mo ang ganda ng mood ko kanina.” I sighed

“I’m sorry.”

“Bakit ba gustong gusto mo na malaman ni freemo kung sinong tatay nya at-“

“becca hindi-“

“eh ano freen? bakit ayaw mo ba kay freemo?”

“What? I didn’t sa-“

“Bakit ba pinag uusapan natin toh ngayon? huh? kinakalimutan ko na nga yung nangyari noon at inalis na sa isip ko na hindi sya ang putanginang tatay ni freemo.”

I almost raised my voice at sinusubukan nya na akong hawakan pero inaalis ko yung kamay nya

“hindi mo alam kung gaano ako nagdusa noon freen dahil sa nangyari, at kung hindi dahil sa pag poprotekta ni richie sa mental health ko baka nagpakamatay na ako noon.”

“shhh no.” she suddenly cried and cover her ears

“kung ayaw mo kay freemo sabihin mo lang dahil hindi kita pipilitin..”

Umalis ako sa bed at lumabas ng kwarto, I shut the door forcedly

My heart is enrage bumabalik sakin lahat ng katangaan na nagawa ko at naalala yung pag bubuntis ko kay freemo

halos ayoko syang buhayin noon sa sinapupunan ko, at wala man lang akong ultrasound pictures nya at halos hilingin na mawala sya

bilang nanay masakit sakin ang lahat ng yun, pinagsisihan ko lahat ng mga araw na inayawan ko sya

hindi ko alam kung pagsisihan ko ba yung nangyari noon o magpasalamat dahil nagkaron ako ng freemo

Nung maaksidente kami ay takot na takot ako na mawala sya at parang pinapakita sakin ng panginoon na ‘diba ito yung hinihiling mo noon?’

yung guilt na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga binibigkas ko noon at hinihiling, habang buhay ko yung dadalhin

papasok na sana ako sa kwarto ni freemo ng mapatingin ako sa pinto ng kwarto ko

alam kong mahal nya si freemo.. naiinis lang ako dahil parang pinipilit nya kong sabihin kay freemo ang totoo

alam ko kung bakit ginagawa nya toh, iniisip nya nanaman na pagmawala sya ay masasaktan si freemo ng sobra

alam nyang ayaw na ayaw kong pinag-uusapan yung gagong yun at yung tungkol sa sakit nya, parang tanggap nya na mawawala na sya

gusto kong bumalik sa kwarto kaso baka mag away lang kami

I need to calm myself first

~

“Baby wake up.”

I saw freens face when I wake up, I want to touch her cheeks because she’s Sweetly smiling at me but I don’t know why I can’t move my body

“I love you..”

she said and there’s a tears in her eyes, I tried to move but I can’t

shit..

I calm myself and my vision turns black, I closed my eyes tightly and wanted to cry and then my eyes suddenly open

napatingin ako sa ceiling at tumatama na ang sinag ng araw dun

My god

na sleep paralysis ata ako..

I move my hand and I realized that freemo is not beside me kaya napaupo ako

*Yawn

I get up even my body is still have no energy to move, mataas na ang araw sa labas at kitang kita ko si natalia at freemo na nag hahabulan sa labas at nagtatawanan

dumaretso ako sa banyo at nag hilamos nag palit narin ako ng maong short and oversized yellow shirt

bigla kong naalala yung pagtatalo namin ni freen kagabi kaya nag madali nakong kumilos

chemo nya today

“Heng..!” I called him while going down the stairs

“nasa kusina..” napalingon ako kay richie na nagkakape at nagbabasa ng news paper sa Sala

“Chemo ni freen ngayon eh magtatanghali na ata.” sabi ko at nag lakad na ng mabilis papuntang kusina

dapat 8am nasa bahay na kami pero 11am na ng umaga at nandito parin kami sa mansion, hindi ba nila ako ginising?

hays..

Oo nga pala pag masarap ang tulog ko hindi ako ginigising ni freemo

“Heng! freen!” tawag ko

“Oh Goodmorning.” bati ni heng sakin

Napasapo ako sa ulo ko ng relax na relax sya habang nag kakape sa dining

“Ano na? chemo ni freen ngayon.”

napadilat sya ng mata at ibinaba ang iniinom

“Hays nakalimutan ko, maaga namang nagising si freemo pero mukhang nakalimutan nya ata.”

“San si freen?” tanong ko at kumuha ng tubig

“Mom!!” tawag ni freemo at hinihingal pa

“Oh freemo ang pawis pawis ng likod mo, naligo kana ba?”

umiling sya

“Oh Iha mag almusal muna kayo.” salubong ni manang at nag lagay ng ulam sa lamesa

“Sige po manang.” I smiled at her

“Where’s daddy freemo?”

“Upstairs sleeping.” sabi nito at naglakad papuntang lamesa

“Heng ihanda mo na ang kotse, uuwi na tayo “

“Yes ma’am.” sabi nito at umalis na

“Ate becca, dito nalang po muna ako namiss ko po ng sobra si nanay eh.” sabi ni natalia sa tabi ko

“Sige natalia..”

hay nako pati sya grabi ang pawis, bata talaga Oo

after I finish my glass of water ay tinungo ko na ang hagdan paakyat

Maaga naman kaming natulog kagabi ah

“Freen.” sa pinto palang ay tinatawag ko na sya

pasaway din tong isa nato eh, nung last halos ayaw rin bumangon

when I opened the door I saw her that she’s still sleeping

hinawi ko yung kurtina at inilagay sa bed yung unan na nahulog kagabi

“freen wake up..”

nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya

“baby..” I called sweetly

hinawi ko yung buhok na tumatabon sa mukha nya at tulog na tulog talaga sya

“Freen..” uyog ko sakanya

I caressed her cheeks at napansin kong ang lamig ng balat nya

“Freen?”

I touched her lips at parang nangingitim yun

wait..

inopen ko yung lamp sa tabi nya at nakitang namumutla ang mukha nya

“Freen?”

“HENG!.” sigaw ko at kinakabahan na

hinawakan ko yung mga kamay nya at ang lamig ng mga yun

“Freen wake up!.”

my body is already shaking

“Manang! Richie!” sigaw ko

“No baby, please wake up..”

bumuhos ang mga luha ko

lalabas na sana ako ng pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si heng

“What happened.?” histerya na tanong nito

pumasok rin si richie at nakita ko sa labas si manang na hawak ang kamay ni freemo at natalia na hinihila paalis sa pintuan

“Hindi sya nagigising..” iyak ko

bigla akong niyakap ni kuya

“Shh… it’s alright”

“Call the ambulance right now.!” heng shouted

Kinarga nya na si freen at nag madali ng lumabas ng pintuan

“Call Ana.” heng said

Tags: read novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51, novel Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51, read Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51 online, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51 chapter, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51 high quality, Prisoner Of The Governor’s Daughter’s Heart – Freenbecky Chapter 51 light novel, ,

Comment

Leave a Reply

Chapter 52