Becca
“kailangan na syang ilipat sa hospital to do the chemoradiotherapy.”
“Omy God.”
napatakip ako sa bibig ko at hindi na napigilang hindi umiyak
“This is one of the side effect of chemotherapy, the cancer spreads on her blood out of the bone marrow rapidly at kailangan na syang isalang sa radiation therapy to know where’s the area of her body that we should treat..”
“radiotherapy can help?” Ana asked her
“Yes after we already know what part of her body is affected, radiation therapy can help her to kill cancer cells.. she’s going to do the treatment 5x a week.”
The chemo session still on going while she’s still unconscious
dapat hindi ko nalang sya iniwan kagabi, I’m so stupid
baka masama na talaga pakiramdam nya kaya nakakaisip sya ng mga ganun
I wanna punch myself, now she probably thought that I’m mad at her
I felt Ana’s hand rubbing my back
“Magigising rin sya..”
tumango ako ng paulit ulit and I wiped my tears using my hand, I need to be strong..
iniwan ko muna si freemo sa bahay para mabantayan ni kuya dahil umiyak yun ng makitang walang malay si freen at lalo na ng iniwan ko sya dun
hindi ko na nga halos maikalma sarili ko, pakalmahin pa kaya si freemo?. I already called Irin that she needs to go to the mansion to support freemo with cheska at umuo naman sya
“Sasama ako.”
“Huh?”
“Hindi ko iiwan si freen.”
“Pano ang anak mo?” tanong nito
“My family is already there taking care of him..”
Tumango tango sya at inofferan pako ng tissue
Nang dumating kami kanina sinusubukan nya talagang kumalma at pinapatahan ako
_______________
_______TWO YEARS LATER______
Sa dinami dami ng masasamang tao sa mundo…
bakit kailangang mga mabubuti pa ang nakakaranas ng ganito?
Napaka unfair ng buhay, kung saan pa yung mga taong gustong lumaban para mabuhay
yun naman yung mga maaagang kinukuha..
Sobrang sakit
sinamahan ko syang lumaban…
Akala ko gagaling sya..
Hindi ko inaasahan ang pagkawala nya
Habang nasa sasakyan ako ay panay ang tulo ng luha ko
“Seryoso kabang ikaw lang mag isa? ayaw mo bang samahan kita?”
“Oo”
*sniff
“Hey kanina kapa umiiyak.”
“Okay lang ako Tee.”
kinuha ko ang isang bouquet ng bulaklak ng ihinto ni tee ang sasakyan
nang makalabas ako ay sinalubong ako ng malakas na hangin, inilibot ko ang mga mata ko at napaka payapa ng lugar
Pumasok ako sa loob ng mag isa, bawat hakbang ko mas lalo kong narerealize na wala na sya dahil sa dami ng puntod na nadadaanan ko
nang marating ko ang puntod nya ay nag sindi agad ako ng kandila at inilagay ang bulaklak sa tabi ng Angel na statwa
“Sorry.”
tumingala ako sa langit at inaalala lahat ng magagandang memories naming dalawa
“Ako yung laging sumusuko sa ating dalawa.. bakit kailangang kunin kapa nya? fighter ka nga eh sabi ni doc. dahil pursigido kang gumaling, kahit cheat day nga hindi mo ginawa eh.. para lang mas mabilis kang gumaling.”
hinaplos ko yung pangalang nakaukit sa puntod nya at dinama ang lamig ng tiles nito
“Sorry Glaiza kung hindi kita madadalaw ng madalas dito..”
habang umiiyak ay bigla akong natawa
“Bakit kasi sa america kapa nagpalibing? eh ang mahal ng pamasahe..”
Biglang may tumapik sa likod ko at napatalon ako
“Oh jesus.. bakit ka sumunod?.”
“Pag yang angel dyan ang sumagot tatakbo ka talaga.”
Tawang tawa na sabi ni tee
tsk.. panira ng moment
“Glaiza multohin mo nga toh..” sabi ko
*slap
“Ouch ano ba.”
“Pasalamat ka at pumunta ako dito, oh ito..” iniabot nya sakin ang cellphone at nakita ko yung caller ID
fuck
it’s becca
“kanina pa yan tumatawag, alam nya pa namang ako yung kasama mo.. ang sakit pa naman manapak nyan” dabog ni tee..
I answered the call immediately
[Hello]
[Ohh hows the vacation?]
napakagat ako ng labi sa kaba ng marinig ang boses nya
[ahmm]
[Hindi ko alam kung anong ginagawa nyong kalokohan dyan ng pangit na yan, halos mag isang taon kanang hindi umuuwi!]
nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko
Nung gumaling kasi ako sa sakit na leukemia last December ay isinama ako ni lolo dito sa America para sa siguradong resulta
hanggang ngayon nag ma-monthly check up parin ako at pinapanatiling healthy ang mga kinakain
tumagal rin ako dito dahil dito na pala nagpapagamot si glaiza nun at tumitira dito sa bahay ng Ama nya kaya rin ako tumagal dito para suportahan sya
pero habang tumatagal mas lumalala ang sakit nya, hanggang umabot sa point na kumalat na ang cancer sa buong katawan nya at kahit anong sakit narin ang nadadagdag sakanya dahil sa dulot ng cancer
kahit 3 months na syang wala ay parang kahapon lang nangyari ang pagkawala nya, halos sya lang lagi ang kausap ko araw araw dito sa america
naiintindihan naman ni becca kung bakit ako nandito kaso minsan kasi hindi ko na sya nakakausap lalo na ngayon at may nagawa nga kaming kalokohan
jusko
patawarin mo ko
_________
Becca
“Mom nextweek is my 6th birthday, daddy needs to go back here already.” Freemo whined and don’t want to finish his food
“Hays ewan ko dyan sa daddy mo.”
inilapag ko yung gatas sa tabi ng plato nya at bumalik sa alababo para ihanda yung lunchbox nya
“Becca? talk properly.”
napa tingin ako kay Irin at sinigahan ako ng mata nito
I sighed
“I will call him again that he needs to go home or else I’m gonna throw all of his clothes.”
“BECCA PATRICIA!”
Napatalon ako sa sigaw ni Irin
Nagmarcha sya papuntang lamesa at kinuha yung 1 year old baby nya
hays hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkakaron sya ng second baby
my god
it’s hengs daughter
akala ko talaga puro landian lang ang dalawa, yun pala ay nag babalak na magpakasal
“Irin hindi naman ako maiintindan nyan.”
inilapag nya sa stroller ang baby nya at humarap sya sakin na naka cross arm
“si freemo ang inaalala ko becca.. kung nandito lang si nam nabigwasan kana nun.”
naglakad ako palapit sakanya at kinuha ang kamay nya papuntang sala
“What?” tanong nya
“Ughhh Nasestress nako ng sobra alam mo ba yun?”
“Hays uuwi rin yun.”
“Feeling ko talaga may babae na yun Irin.” daing ko sakanya at ibinagsak pa ang kamay sa small cabinet
Tumawa sya at tinap ang ulo ko
“Mahal ka nun at alam na alam namin yun, ayaw mo ba yun? pag uwi nya dito no worries na about her health.”
umupo ako sa sofa at tumingala, resting my head on the armrest
“Pano ko ba sya mapapauwi?”
“Hmm sige ako bahala.” Irin said and winked at me
______
Freen
[Hoy ANAK NG MAHAL NA PANGINOON UMUWI KANA AT MABABALIW NA ANG KAIBIGAN KO]
Nag pagulong gulong ako sa kama at kinakabahan ulit
[Natatakot ako Irin, alam mo? kasalanan nyo to ni tee eh, mapapatay ako ni becca.]
[hay naku bakit hindi ka umuwi at magpaliwanag]
[hindi pako ready makalbo ulit Irin.]
napaupo ako at tumingin sa salamin yung buhok ko ay bumalik na sa dati pero hanggang balikat lang at naka wolf cut pa, nakalbo kasi ako dahil sa chemo at halos wala ng maiharap na mukha kay becca
[Birthday ng junakis mo nextweek, nag tatampo nayun sayo sobra.]
I took a deep breath
[okay, my god I can’t believe this.]
__________
Comment