Monday, when I decided to go back to school, Ma’am Robles apologized to me for not believing me.
ang sabi nya umamin daw si freen na gawa ko yun, nung araw na nag walkout ako, pinagsabihan nya narin daw
Kaddie said Freen was also absent last Friday at wala rin sya ngayon, diko alam kung anong mararamdaman ko pag nakita ko sya ulit
she needs to say sorry, she upsets me big time..
“Wednesday is our field trip day, so we have no class for tomorrow..for you to rest and prepare yourselves for our activity,” our teacher announced.
“Dapat nandito sya ngayon..” kaddie said
kailangan kasing ilista yung mga pangalan ng mag paparticipate sa activity at para malaman rin namin kung ano ano yung mga dadalhin sa Wednesday
kung wala si freen ngayon, hindi sya masasali sa bilang ng estudyanteng sasakay sa bus palabas ng poblacion malaya
I see kaddie and I was surprised when she’s writing freens name on the lists
“hey..” saway ko
“shh wag kang maingay..”
“Anong ginagawa nyong dalawa?”
napatalon ako ng makita si tee sa harapan namin
“Ahhm..” kaddie was stunned
Tee took the ballpen and erase freens name
“Much better if her name is not on the list.. ako na bahala..”
Kaddies face lightened up
I frowned
“why?” I ask her
tinitigan nya ko ng matagal bago sya sumagot
“Madadagdagan lang bayarin nya sa school.”
ahh
“alam mo ba kung bakit sya absent ngayon?” tanong ko
She frowned
“she’s not absent today, look..” tinuro nya yung basketball court ng school sa bintana
and I saw her…
nag wawalis sya at may dala dala pang malaking sako
“Ma’am robles gave her a punishment for stealing, buti nalang hindi sya binagsak ni ma’am kahit wala syang artwork.”
teka?
bakit parang may iba?
I turned my back to face tee but bigla nalang sya nawala
I smiled.
fist time.. kinakausap nako ng matino, parang nakalimutan nun na dapat hindi nila ako pinapansin..
pansin ko nga yung iba na parang gusto namang mag approach at kausapin ako
but there’s something holding them back, kaya mailap sila sakin
dahil ba anak ako ng governor? eh bakit si kuya hindi naman
baka naman nasanay na sila kay kuya at dahil bago lang ako, hindi pa sila gaanong komportable sakin?
hays
uwian na ng mga estudyante kaya wala na masyadong tao sa school
gusto ko pang mag stay dahil sa sariwang hangin at pakulay orange na nalangit
dumaan ako sa basketball court at pansin kong nag lilinis parin si freen
her White shirt kitang kita na bumabaha na sya sa pawis
hindi paba sya papauwiin?
parang naawa ako bigla
sa payat nyang yan?
hays
Bakit kasi hindi sya gumawa nalang ng artwork nya? para bullyhin lang ako?
napa iling iling nalang ako
Nakita ko syang naglalakad palapit sakin at ang dilim din ng expression ng mukha nya
nataranta ako bigla
“freen.”
nilampasan nya ko at kinuha ang sako sa likod ko sa tabing puno
wait
hinawakan ko yung braso nya ng lampasan nya ko ulit, kaya napaharap sya sakin
kitang kita ko yung pamamaga ng pisngi nya at sugat sa may gilid ng labi nya
Oh My God..
binawi nya yung braso nya and she has alot of bruises in her arms
tumalikod sya agad sakin kaya hinila ko sya ulit
“ahh ano ba..” daing nya kaya nabitawan ko sya agad
“freen saan mo nakuha yang mga yan?”
“Pwede ba, umuwi kana..” she yelled.
ang lakas ng tibok ng puso ko
‘Don’t worry, pag sasabihan ko sya’
I remember kuya.. he was furious because of what freen did to me
hindi magagawa ni kuya toh eh hindi nga kaya manakit nun ng hayop kahit gagamba, babae pa kaya
“Who did this to you?” I ask her again
last time puro rin pasa ang mga braso nya, hindi kaya may nananakit sakanya? sino?
halos lahat ng studyante dito parang wala lang rin sakanila, even the teachers
if may nananakit sakanya.. woman abuse yun, maaaring makulong yung taong yun
“freen-“
“Langya naman oh umalis kana..”
naglakad sya palayo pero sinundan ko sya ng sinundan
“Freen may nananakit ba sayo? freen I can help you..”
natawa pa sya, huminto sya sa pag lalakad at humarap sakin
she took a deep breath
“Painosente kapa, eh ikaw nga may gawa sakin nito..”
napanganga ako sa sinabi nya
“what did you say?.”
umiling iling sya
“Tss. umuwi kana.. nangangain ako ng tao pag dumilim na.”
I frowned.
akmang aalis sya ulit ng mag salita ako
“Is it richie?”
“Bakit ba ah? ano bang pake mo? dapat nga maging masaya ka..I already paid the consequence kaya hindi nako mag sosorry.. ano pabang gusto mo?.”
My heart is racing
Tumakbo ako palabas ng school, no… kuya would never hurt anybody
pagkarating ko sa bahay hinanap ko sya agad, my body is trembling
I saw him at the living room drinking orange juice while watching movie
Nag lakad ako ng mabilis papuntang TV at pinatay yun
“What the f…”
“We need to talk.” hingal na sabi ko
tumaas ang kilay nya at mukhang nairita pa sakin
“Bakit mo naman pinatay ang ganda na ng mood ko habang nanonood eh..”
I crossed my arms in my chest
“what did you do to freen?”
natahimik sya bigla
“why? she confronted you again?”
“KUYA SAGUTIN MO KO?” sigaw ko sakanya na ikinalaki ng mata nya
“I ordered our men to punish her..” my eyes widened “she hurt you, she bullied you becca at hindi ko palalampasin yun..”
“OH MY GOD KUYA.. HINDI KO SINABING IPAPABOGBOG MO SI FREEN.”
Tumayo sya at galit akong tiningnan
“BAKIT BA AH? NAG SUMBONG BA SYA SAYO? BINUBULLY KA NANAMAN BA?–
“I’ve never expect that you’re going to do this thing..” I whispered
hindi parin ako makapaniwala
“this is a crime.. you hurt a woman..” napaupo ako sa upuan
sa Singapore once na may na mistreat kana babae kulungan agad ang bagsak mo
“Crime?.” he laughed “wala naman laban satin yun..”
I looked at him with disbelief in my eyes, this is not my kuya
Oo matagal ko syang hindi nakasama pero baka nga hindi ko pa sya talaga totally na kilala
“Mas sobra pa ang mangyayari sakanya kung sakaling si papa ang nadatnan kang umiiyak ng ganun dahil lang sa gagong yun..”
“Bakit mo ginawa to..” halos pakiramdam ko umaapoy ang puso ko
diko tanggap na ginawa yun ni kuya, I looked at him seriously, letting him know that I’m very disappointed to him
I run to go upstairs
__
Tulala ako habang nakatingin sa malawak na garden ng bahay habang umiinom ng maiinit na chocolate
hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni kuya, sabi nya dala lang daw ng galit kaya nya nagawang utusan yung mga tauhan ni papa para gulpihin si freen
freen thinks that I am the one who ordered our men to punish her
I need to talk to her and apologize…
bakit sa tuwing sya ang nasasaktan eh ako yung nakokonsensya?
pero pag ako naman, parang wala lang sakanya
buong gabi si freen lang ang nasa isip ko, Yes she’s a bully.. but it doesn’t mean that she deserve that thing
No one should experience those treatment, she’s too thin, napaka payat nya na tapos bubugbugin pa sya ng ganon
nakokonsensya nako ng sobra, her face yesterday kept running in my head
“Natalia..” tawag ni manang galing sa loob
Nakita kong tumakbo si natalia papasok sa bahay, tuwang tuwa pa ito at may hawak na lollipop
“Naynay oh bigay ni boy..” sigaw nito
yung aso naman na si bonbon ay panay rin ang habol sakanya
sinalubong sya ni manang ng may dalang isang brown na basket
“May mga prutas ito ah.. at damit narin na bagong laba, nandyan narin yung pananghalian nya..”
“Opo, naynay nandun po sya sa mga kabayo kakatapos nya lang paliguan ang mga yun.”
rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa, yung napaka cute na boses ni natalia ay nakakatuwang pakinggan dahil sa liit ng boses nito
napaka daldal talaga
“ay Oo nga pala papadalhan ko rin sya ng cassava cake na gawa ko kanina.”
“Nay nay napakarami mabigat po..”
Tumayo ako at pumasok sa loob
“ako nalang po ang dadala…”
sumimangot si natalia at inakap ang basket
“ay hindi na po ma’am-
“Manang ako na po, bibisitahin ko rin po kasi yung mga kabayo..”
nag aalangan pa si manang pero kalaunan pumayag rin sya
kumuha sya ng dalawang pambalot ng cassava cake dahil maluwag ang takip ng baunan nito
tumingin ako kay natalia at umupo sa harap nya, nakasimangot pa sya
“kaya ko naman po..” paliwanag nya
“Ako nalang.. pupunta rin naman ako dun..” paliwanag ko
I roam my eyes everywhere looking for a possible distraction and bumagsak ang paningin ko sa lamesa kung saan ako nag kakape kanina
“gusto mo bang hiramin yung Tablet ko na Pink? maraming games dun”
lumaki yung mata nya at napanganga
“Talaga po?”
I nodded.
“Hay naku ma’am becca wag na po, baka masira nya yan, dipa sya humahawak ng mga ganyan.”
“Okay lang po manang..” natawa ako
Natalia join me at the balcony at nalingaw ko nga talaga tong cute na toh, panay din sya tanong kung pano
Tinawag ako ni manang pagkatapos nya isahin lahat sa basket, tinanong nya ko ulit kung okay lang ba, dahil nahihiya syang utusan ako
“Idol na idol po talaga ni natalia si boy manang, anak nyo po ba si boy?”
napatingin si manang sakin
“hindi, kapit bahay lang namin sya..” sagot nya at iniabot sakin ang basket. “ito oh, pakisabi na kumain na sya at alam kong wala pa nakapag almusal yun kaninang umaga.”
“Oho..”
I wear my boots and tied my hair up, I’m so excited to meet him, natalia loves him so much.. maybe he’s a nice guy
nag lalakad ako papuntang kwadra ng malalim parin ang iniisip
kung hindi sasama si freen bukas eh hindi ko sya makakausap, hays nakokonsensya talaga ako
bakit kasi naging option pa ni kuya yun.. kaninang umaga halos iniiwasan kong kausapin sya dahil galit ako sa ginawa nya
Palapit nako sa kwadra ng makita ko si boy na mukhang kinakausap yung kabayo na brown habang inaayos ang saddle nito sa likod
aalis sya?
dahil sa taas ng araw naniningkit pa ang mga mata kong pilit syang makita
aalis na sya shit..
“Boy…” I called him
He stop from climbing to the back of the horse at bumaba ulit
nang malapit nako eh humarap na sya sakin at nakasimangot pa ito
holy fuck
“Freen?”
Comment