Umaga palang ay pawis na pawis na kami dahil sa pag lilinis, may kanya kanya kaming area na nililinisan, nakakapagod pero enjoy naman
Dahil popular tong forest na napuntahan namin may nakikita rin kaming mga foreigners, vloggers at may nag ha-hiking din, kaya siguro medyo marami rami rin yung basura dahil sa mga Taong pumupunta dito
“Nakita mo ba si freen?” kaddie ask me
pagkatapos ng nangyari kagabi eh nagkulong nako sa tent buong gabi at hindi na nakisali sa mga kulitan ng mga classmates ko
gusto kong magsumbong kay Irin pero nahihiya ako, at isa pa pinagsabihan din ako ni freen na wag sasabahin kahit kanino
what happened last night was kept running inside my head, so tama nga si Irin.. nakakawala ng stress ang happy time
napasapo ako sa ulo dahil sa naisip
that was sexual assault
“sorry diko sya nakita.”
kung wala lang yung bag nya sa may puno baka iisipin kong nauna na syang umuwi
saan kaya sya natulog kagabi?
“Freeen.” sigaw ni kaddie
napalingon ako sa likod ko ng makita si freen na may dala dalang sako, pawis na pawis rin sya
my heart race ng papalapit na sya samin ni kaddie
“Irin??” I called
Umalis ako at nag pretend na hinahanap si Irin, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nagalit sakanya kagabi
“may extra akong towel gusto mo?” kaddie approach her ng makalapit na sya
“hindi na.” sagot ni freen
I chuckled
nag huhugas na ng kamay ang ibang estudyante dahil lunch time narin..
pumunta si freen sa ilalim ng puno at kumuha ng damit dun
pansin ko lang puro white ang lagi nyang suot simula ng makilala ko sya maski uniform wala sya
napalingon sya sakin at agad naman akong tumalikod
“Becca tara na sa tent nandun yung pagkain natin..” Irin said when she saw me
tumingin ako sa tent at may dalawang styro box na nandun #7 and #8 ang nakalagay dun
pati food may number..
lumingon ako kay freen at nakaupo na sya sa ilalim ng puno at nakapikit ang mga mata
kahit tubig wala sya
Hindi narin lumalapit sila Tee sakanya at parang wala sya sa camp, kung hindi lang sya pinansin ni kaddie kanina mag tataka na talaga ako
habang nag uumpisa ng kumain si Irin ako naman yung nag aalangan kumain.. may mga snacks naman ako sa bag eh
“Hoy lalamig yang pagkain mo.”
I sighed and decided to gave it to freen, ako yung natatakot sa kapayatan nya
lumabas ako ng tent dala yung tubig at pagkain
“Becca san ka pupunta.?” tanong ni Irin pero inignore ko nalang sya
naglakad ako palapit sa puno ng dumilat ang mga mata nya
parang gusto kong maglaho ng parang bula dahil sa nagkasalubong ang mata naming dalawa
kaya mo yan becca.. I cheer myself up para mabawasan ang kaba
“ano?” agad na tanong nya ng makalapit ako
bakit everytime na lalapit ako, para syang manununggab at mag aaya ng suntukan
“ahm L-lunch time, gu-gusto mo?”
she shook her head at pumikit ulit
“Bakit? hindi kaba nagugutom?” tanong ko
“Ask yourself.” simpleng sagot nya
“I already have food in my bag, kainin mo na toh-“
“bakit ang hirap sayong layuan ako?” padabog na tanong nya
natameme ako sa tanong nya
hindi ko rin alam.. eh pano ba naman, lagi syang galit sakin kaya nacu-curious ako
“ano na? alis na..” iritang sabi nya
“I will tell Irin what you did if you don’t accept this ”
nakakapikon na sya sa totoo lang, napaka salbahe
Natawa sya bigla
“Then tell her how you moaned last night in my arms— ARAY..!!”
ibinato ko sakanya ang tubig na hawak ko, sapol sa tyan nya yun
inilapag ko sa tabi nya yung styro box at nag walk-out na
after kami ipahinga ng teacher sa tent eh 2pm na kami nag start sa mga games, nag enjoy ako ng sobra
but freen don’t even join and just stay under the tree
last game namin is yung susuotin yung sako at tatalon hanggang sa makatawid papuntang kabila
4:30pm nang mag umpisa ng umulan ng mahina, dumidilim narin ang paligid dahil sa makulimlim na langit
I saw freen walking away outside the compound and I decided to follow her dahil nag sisiligpitan narin ng mga tents, bukas sana kami uuwi lahat kaso pag lumakas ang ulan, siguradong dikakayanin ng tents at putik na ang daan kung sakali
I run to follow her dahil papalayo na sya, iniwasan ko naring tumakbo dahil lampa talaga ako madalas
“Freen..” I called her
napalingon sya sakin at napapikit, Oh? ano nanaman problema nya? nakasimangot nanaman sya
“Bakit ka sumunod?”
“Ngayon tayo uuwi nagpeprepare na ang lahat para umalis..”
“Alam ko becca..” pikon na sagot nya at napamasahe pa sa ulo
“eh bakit ka kasi lumalayo?”
napatiimbagang sya
“Iihi lang ako becca o baka naman gusto mo kong sabayan?”
Oh crap!
masyado ko na ba syang naaabala?
I took a deep breath
“Bilisan mo na aalis na tayo anytime.”
tumango sya
bumalik narin ako sa compound para ayusin yung mga gamit ko
“Oh my god becca… kanina pa kita hinahanap.”
salubong ni Irin sakin at mukhang nag mamadali
I frowned
“why..?”
“gusto mo bang sumabay samin? si mommy kasi ang susundo sakin nandito na sila isasama daw nila ako sa party ni Tita..”
“ahh baka naman dadaretso kayo sa party, eh ako pabalik ng poblacion hassle na para sa mommy mo “
“ayy oo nga noh”
“Irin… what took you so long.” rinig na rinig ko yung sigaw ng mommy nya
napakamot nalang sya sa ulo at isinuot na ang bag
“ingat ka dito ah.. bye bye becca.”
tumakbo na sya palayo
hayss si Irin talaga..
“Everyone makinig..” sigaw ng guro “mag form kayo ng straight line and complete the numbers.. hurry baka lumakas na mamaya ang ulan..”
sumunod naman ang mga estudyante at nag umpisa ng mag bilang
Richies Calling…
[hello kuya?]
[masama ang panahon dapat ngayon na kayo umu-]
[Yes kuya actually paalis na kaming lahat]
[Good..mag iingat kayo]
[nandyan naba si Papa sa bahay?]
[Oo pinagalitan pako bakit hindi daw kita sinamahan]
Richie chuckled.
[hay nako si papa talaga]
nakita kong nag umpisa ng umakyat yung mga estudyante kaya sumunod nako
[sige kuya aalis na kami]
“Everyone umupo kayo base sa bilang ng number nyo.” our teacher said
“hoy 7 dito..”
hila sakin ni kaddie sa upuan malapit sa bus driver
sumakit bigla yung ulo ko, dahil siguro sa pagod ughh
“hey okay kalang?”
tumingin ako kay kaddie at yung mga mata nya ay pulang pula, hindi ko alam kung kagagaling nya lang ba sa iyak O pinipigilan nyang umiyak
“Masakit lang ulo ko, ikaw ba? “
umiling sya at huminga ng malalim
she gave me a bottle of water and her small medicine box
I pout
“Thank you..”
napatawa sya ng mahina
nakatulog pako sa bus dahil sa gamot na nainom ko, nawala narin ang sakit ng ulo ko
*sniff
napalingon ako sa bintana and I saw kaddie is crying
nabahala ako bigla
“hey what’s wrong?”
umiling ito
hay nako heartbroken ba toh? oh baka naman si freen nag paiyak dito, hays Oo
ang salbahe pa naman nun
“shh tahan na..” himas ko sa braso nya
tumingin ako sa likod, baka naman si freen umaway dito
tumayo ako para hanapin sya sa mga upuan, pero
wala sya
wala sya?
‘Everyone form a line and complete your number’
I remembered what our teacher said earlier
my heart is beating so fast
Naiwan sya
“Manong… manong may naiwan po..” I yelled and everyone gasps
the driver kept driving at parang walang narinig
tumakbo ako sa harapan dahil katabi nya si Teacher
“Sir naiwan po si freen…manong balik po tayo..”
hays bakit ba sya hindi bumalik agad? ilang balde ba ang inihi nya?
“Ms. Armstrong anong pinagsasabi mo? walang naiwan we are 46 here..”
umiling ako
“Sir..”
“BECCA.” Tee called me but I ignored her
“If you don’t stop this bus I’m gonna call papa..”
napahinto si manong at halos matumba ako dahil hindi ako nakahawak sa upuan
umingay na ang paligid dahil sa bulong bulongan ng mga classmates ko
“I’m sorry sir for lying but freen is not counted..”
kalma lang si sir habang hindi rin makatingin sakin, I know he saw freen too
“Baka nauna na, wala naman sya kanina sa compound.” tugon nya
umiling ako
“Nakita ko po sya sa labas ng compound at babalik rin sya Agad.. naiwan po sya..”
“Ang layo na natin becca..” paliwanag nito
“Freen is your student too at delikado dun..” hirap na hirap nakong mag paliwanag
lumalakas na ang ulan at ako lang yung nababahala
tumingin ako sa banda ni kaddie dahil sa pag iyak nya
everyone is unbothered except her, is she know about this?
what the fuck is happening?
wala ng choice si manong kundi ang bumalik sa camp, dahil hindi ako pumapayag na mag maneho sya pauwing poblacion
“You putting the students in danger, this is not safe becca.”
konting konti nalang sasabog nako sa galit dahil sa sinabi nya
but I calm myself
nakabalik kami ng camp at wala si freen, everyone is staying inside the bus and it’s pissing me off
tinakbo ko na kung saan ko sya huling nakita kanina
“FREEENNN.” sigaw ko
“Freen asan ka?.”
halos dumadalawa na paningin ko dahil sa nag lalakihang puno
no ones helping me
Richies calling….
halos buhayan ako ng dugo ng tumawag si kuya
[kuyaa..]
[malapit naba kayo?]
[bumalik kami sa camp]
ang bilis ng tibok ng puso ko
[what? why? becca ang sama na ng panahon] rinig ko ang frustration ni kuya sa background
[Freen is missing naiwan sya ng bus kanina ng bumalik kami wala parin sya.]
[anak ng gago! nasa field trip sya kasama nyo?]
I frowned
he’s mad
[Yes kuya why?]
[send me the address]
he turned off the call
______
halos mag isang oras lang ng makarating ang isang Van ng trabahante namin ng ganun kabilis
ang layo kaya ng lugar natoh
I hug kuya richie when I saw him, nag aalala nako ng sobra kay freen dahil lumalakas narin ang ulan
pinababa nila lahat ng student sa bus kaya umingay ang paligid
“Sinong nakakita kay freen sa fieldtrip nato?” our men ask them
ang iilan ay umiiling
hindi nila nakita?
“Wala naman po sya dito.. nakita nyo ba si freen dito? diba wala?” Tee said approaching everyone
“wala po sya sa fieldtrip nato boss.” the teacher said and gave the list of students to them
I can’t believe this
“Becca?” tanong ni kuya
I looked at Nam and she’s shooking her head to me
freen is in danger
pano kung ako yung nasa kalagayan ni freen ngayon?
“She’s not counted but she’s here, why everyone saying they didn’t see her here?”
maiyak na sabi ko kay kuya
he ordered our men to spread into the woods to find her
pinauna na ni kuya richie yung bus na umuwi dahil delikado para sa mga estudyante
bakit walang umaamin na kasama nga namin si freen?
galit ba sila kay freen? sa school okay naman sila kay freen ah
tumingin ako sa bus na papaalis at kitang kita ko si kaddie na naka smile sakin sa bintana hindi narin sya umiiyak
–
naabutan kami ng dilim at wala parin yung mga trabahante namin
“Binully kaba nya dito?” richies ask
I shook my head
“Hindi po kuya..”
he nodded
“Bitiwan nyo ko..”
nagulat ako ng marinig ko ang boses ni freen
“ANO BA! BITIWAN NYO KO” sigaw nya
the man gripping her arms so tight at dalawa ang humahawak sakanya
pumipiglas pa sya at gustong kumawala
I frowned
why they are holding her like that?
napatayo ako ng makalapit sila, basang basa si freen dahil siguro sa ulan, pulang pula ang mga mata nya
“Ikaw?” she whispered
“Let her go, don’t hold her like that.” utos ko sa tauhan namin
but they’re not listening
“kuya..”
richie looked at them and they let her free, unang sumakay si kuya sa Van at iba pang tauhan namin
“Freen-“
I hold her arm
“I hate you..” freen pushed me.. buti nalang nakahawak ako sa pinto ng Van, ang bilis ng hininga nya “Kasalanan mo toh.”
“hoy..ano yan? sakay na!” sigaw ng tauhan na nasa likod ko na papasakay narin
Comment